Una sa Balita

Kobe, Andre lalong lumalala ang away, ayaw nang mag-usap

By
0 1,668

May nakarating sa aming chika na mukhang may gap sa pagitan nina Andre Paras at Kobe Paras. Hindi raw nag-uusap ang dalawa ngayon at si Andre ay mu­ling nagbalik daw sa bahay ng ama habang si Kobe ay nasa kandili ng inang si Jackie Forster.

Nagtataka lang kami kung ano ang sanhi ng hindi pagkakaunawaan ng magkapatid. May nagsasabi na dahil naman daw sa feud ng kanilang mga magulang na akala namin ay ayos na dahil kailan lang ay magkakasama ang magkaka­patid na nakikipag-bonding sa inang si Jackie Forster.

Kasalukuyang nasa bansa ngayon si Jackie kasama ang mga anak at asawa.

Tuwang-tuwa pa naman ako at magkakasundo na silang mga mag-iina. Sana maayos ang kung ano mang gusot meron sila. May nagsabi pa sa amin na nag-unfollow ang magka­patid sa IG ng isa’t isa. Tsk Tsk bakit kaya?????

Alden, Paopao malakas ang chemistry

Masayang nakipagtsikahan sa mga netizen sina Alden Richards at Paopao na super aliw si Alden. Kitang-kita ang chemistry sa tandem nila sa upcoming teleserye na Victor Magtanggol.

Sa Encantadia palang ay aliw na aliw kami kay Yuan Francisco aka Paopao sa pagka-bibo at ismarte nito. Sana manatili siyang bata na kagigiliwan ng marami.

Ilang Linggo na lang ay mapapanood na ang bagong project ni Alden Richards na Victor Magtanggol.

Sa pakikipagtsikahan sa concept creator ng nasabing teleserye na si Mr. Jules Katanyag at costume designer na si Edrian Baydo ay sinabi nila na sobrang excited sila nang sabihan sila na mag-pitch ng isang story na inspired ng Norse Mythology. Mahilig pala si Jules sa mga myths na maraming kuwento.

Kambal, Karibal’ tsutsugiin na

Totoo bang malapit nang matapos ang Kambal, Karibal? May mga character pang pumapasok at super-bongga ang rating nito.

Kaya mahirap paniwalaan na matatapos na ito. Pero knowing GMA, kahit mataas ang rating at kinakailangan matapos ang isang teleserye sa takdang panahon.

Kunsabagay sa dami nang nakalinya na naghihintay ng kanilang project na masimulan ng umeere, baka nga dapat na itong tapusin para mabigyan ng chance ang iba. Abangan na lang natin.