Una sa Balita

I KNOW BETTER!: ‘YAYA’ NI AI AI, TUMABO SA TAKILYA!

By
0 25
Ai Ai delas Alas
Ai Ai delas Alas

Lumabas muli ang bagsik sa takil­ya ni Ai Ai dela­s Alas nang tumabo ang pelikula niyang Our Mighty Yaya sa opening day nito nu’ng Miyerkules. Certified blockbuster ang movi­e na umaga pa lang eh, mahaba na ang pila sa mga sinehan, huh!

Maging si Mother Lily ay tuwang-tuwa sa resulta ng OMY. Biggest earner daw ito sa lahat ng movies ng Regal na ipinalabas tuwing Mother’s Day! Wala talagang minti­s ang Regal pagdating sa proyektong umiikot sa kuwento ng isang ina.

Of course, todo-todo ang pasasalamat ng Comedy Queen dahil tinangkilik na naman ang bago niyang movie. Ang ibig sabihin niyan, blessed na blessed siya sa estado niya ngayon.

“Nagdarasal ako tuwing may pelikula akong ipalalabas. Nasa isip ko kasi ‘yung mga taong tinutulungan ko, pamilya ko, mga pari, simbahan at charities na lagi kong pinag­lalaanan ng tulong, sa kailangan nila.

“Nakita ko rin naman kasi ang paghihirap nina Mother, Sis Roselle at staff sa promotions ng movie. Ako nga, kahit pagud na pagod na, sige lang. Hindi lang naman para sa akin ito kung ‘di  para sa lahat ng mahal ko,” pahayag ni Ai Ai.

Sa totoo lang, hindi rin naman ang magpatawa lang ang kabuuan ng movie. ‘Yung simpleng kuwento ng isang ina na gustong mabigyan ng magandang kinabukasan ang anak eh, relate na relate ang marami.

Saka ‘yung comedy ng movie eh hindi bara-bara! Hindi trying hard! Happy lang pero may kurot din sa puso ang madamdaming mga eksena!

Sa pagtiba sa takilya ng Our Mighty Yaya, nag-uunahan na ang ilang producers na kunin ang serbis­yo ng Comedy Queen, huh!

ATE VI, PURING-PURI NI BABY GO!

Sasabak na sa paggawa ng mainstream movies ang producer na si Baby Go na nakilala sa paggawa ng indie films na humahakot ng awards sa international film festivals. Ito ang pahayag ni Madame Baby nang magdaos siya ng thanksgiving dinner sa press dahil sa nakaraang tagumpay na nakamit ng pelikulang Area, Laut at Iadya Mo Kami.

Personal na iniabot ni Madame Baby ang best actress trophy ni Ai Ai delas Alas na napanalunan niya sa katatapos na Asean International Film Festival & Awards sa Malaysia para sa Area. Winner din sa movie fest ang director niyang si Louie Ignacio.

Present din sa dinner na ‘yon si Ana Capri na wagi bilang best supporting actress sa Laut.

Sa local award giving bodies naman, winner sa 15th Gawad Tanglaw Awards bilang best actor si Allen Dizon para sa Iadya Mo Kami. Sa movie ring ito nanalo ng best supporting actress si Aiko Melendez. Silang dalawa rin ang nanalo ng kaparehong award sa 19th Gawad Pasado.

Kung merong ipinagdarasal si Madame Baby, ‘yon ay magustuhan ni Congresswoman Vilma Santos-Recto ang script na ipadadala niya. All praises ang producer sa kabaitan ng kongresista ng Lipa nang personal niya itong makaharap.

Gusto kasi ni Madame Baby na sa biopic tungkol sa buhay niya eh, si Ate Vi ang magbida, huh!

Congratulations, Madame Baby, Ai Ai, Ana at iba pang artistang kasama sa award-winning indie films na produced niya.

Anyway, muling mapapanood ang Area mula Mayo 19 hanggang 25 sa SM cinemas sa Mall of Asia, Bacoor, Cebu, Iloilo, Southmall, Fairview at North EDSA.