I KNOW BETTER!: WISH NI HEART, MAGKA-BABY NA KAY CHIZ!

By

Idinaan sa social media ng ilang taga-showbiz ang pagpapadala ng Father’s Day messages sa kanilang mga ama. 

Nabisto nga lang sa iba na nagkaroon pala nang hindi pagkakaunawaan ang mag-ama gaya ni Kim Chiu.

Sa isang post ni Kim, binati niya ang kanyang kuya @liam_chiu. Nu’ng Araw ng mga Ama mismo, inilabas ng Chinita Princess ang message niya sa ama.

“Happy Father’s Day father dear!!! We may not have the perfect relationship as father and daughter but if given a chance in my next life I still want you to be my papa!!!

Thank you for everything.  Thank you for believing in me and letting me grow and learn things on my own…lab you paps! See you next week!!!” caption ni Kim.

Magkaibang mensahe naman ang ipinahatid ni KC Concepcion sa tunay na amang si Gabby Concepcion at stepfather na si Senator Kiko Pangilinan.

Para kay Gabby, “Papa chose Indian cuisine for Father’s Day. You never know what to expect from this father of mine!!! Always thoughtful, generous with work, love & life advice, and spontaneous just like his calls, beach trips & kwentos. Happy Fathers’ Day poppy @concepciongabby. ILY.”

Heto naman ang kay Sen. Kiko na nasa Amerika ngayon kasama ang inang si Sharon at mga kapatid.

“Father’s Day wouldn’t be complete without you, @kikopangilinan. Thank you dad for the years of imparting knowledge, discipline, mindfulness & teaching us that what you invest your energy will grow. I finally get it. Enjoy your day out in LA! Wish I could be with you all!!!! ILY @reallysharoncuneta.”

Wish naman ni Heart Evangelista, lima na silang magkaka-holding hands sa beach ng kambal ni Senator Chiz Escudero. “You’re an amazing father to Chesi and Quino. Thank you for being our safe haven. Happy Father’s Day, my love,” parte ng caption ni Heart.


Collage naman ng pictures ng asawa’t anak ang inilagay ni Cristine Reyes sa kanyang IG kasama ang mensahe at asawa’t anak.

“The greatest gift you can give someone is your time. When you give time, you are giving a portion of your life that you will never get back. I, your Queen, your Princesses, You, our KING. Our haven. We thank you for fighting for us always. We love you Daddy,” mensahe ni Cristine.

Simple lang ang mensahe ni Marian Rivera kay Dingdong Dantes. “Para sa aking kabiyak…Happy Father’s Day! Mahal na mahal ka namin ni Z!”

SHARE