Una sa Balita

I KNOW BETTER!: Team Frisbee ni Derek, #1 sa World Cup, France!

By
0 6

Ipinagmalaki ni Derek Ramsay ang achievement ng Team Pilipinas sa sinalihang World Cup Championship of Beach Ultimate ng Frisbee sa Royan, France.

Sa Instagram post ni Derek, number one sa Pool B ang kanyang team na eight wins out of 8 games ang score.

Tinalo nila ang Australia, Great Britain, Ireland, France, Germany, Currier Island, Belgium, at Sweden.

Abante Hiring – IT dep

Nakatakda pa nilang kalabanin ang bansang Estonia, New Zealand, at Italy. “We are ranked number one in our pool!” bahagi ng caption ni Derek.

Kahit minsan nang naaksidente dahil sa Frisbee, hindi dahilan ‘yon upang hindi ipagpatuloy na mahalin ang paboritong sports. Tutal naman, wala pang nababalitang TV show o movie na nakatakda niyang gawin, huh!

‘MVR’ AT ‘MLFTS’ NG GMA, PASOK SA TOP 10
MOST-BUZZED-ABOUT SHOWS WORLDWIDE!

Humanay ang GMA series na Mulawin vs. Ravena at My Love From the Star sa top 10 most-buzzed-about shows worldwide ayon sa New York-based international media business website.

Inilabas ng worldscreen.com ang kanilang Social Wit List para sa May 2017 kung saan ang MVR ay number 3 habang ang MLFTS ay number 5 sa listahan ng top 10 shows na may mara­ming Face Book at Twitter comments galing sa netizens sa buong mundo nu’ng premiere ng programa.

Ayon sa site, humigit kumulang sa 104,000 comments tungkol sa great cast, cinematography at good memories ang naitala samantalang ang MLFTS ay nakakuha ng halos 50,000 comments.

Tanging ang dalawang GMA dramas mula sa Pilipinas ang nakasama sa listahan at tinalbugan ang ilang shows mula sa US at France.

Ang iba pang programa na nakasama sa listahan ay ang USA’s Dirty Dancing, Twin Peaks, Beat Shazam, Michael Jackson: Searching for Neverland. World of Dance; France’s Emmanuel Macron, Baisers Caches; at UK’s Three Girls.