Una sa Balita

I KNOW BETTER: SOLENN-NICO RELASYON, ‘ANNOYING’!

By
Nico Bolzico at Solenn Heussaff
0 9

Unang hosting show ni Solenn ­Heussaff ang All-Star ­Videoke. ‘Yun ka­sing Taste Buddies nila ni Rhian Ramos eh sa ­sister channel ng ­Kapuso Network napapanood.

­Bukod sa ASV, malapit na rin siyang mapanood sa Alyas Robin Hood 2.

Chillin in moss #mimijax #sosbolztravels #roscoff

A post shared by Solenn Heussaff (@solenn) on

So, paborito siya ng network?

“I’m just thankful. You just have to be professional pagdating sa work. Madali lang ako (katrabaho). On time lagi and I do things on my own like styling, make-up,” say ni Solenn.

Magaling siya sa time management. Kaya nga balak niyang magkaroon ng sariling agency na siya ang magiging manager.

“Para i-train ko ang mga P.A.s para mag-hair style. Yes, it’s my plan in the future. I wanna become a manager of the stars!” saad pa ni Solenn.

Minsan nga raw, siya ang nagma-manage sa asawang si Nico Bolzico. Sa loob ng anim na taon niya sa showbiz, siya ang nagme-make up sa sarili at styling sa isusuot.

“Parang it’s ­always good to train ‘yung ­artista, mga people. Yeah. Para at least you know how to do it pag wala kang choice. Ikaw na lang.

You need to know how to manage your ­career. Lahat sila, nagpa­paseksi. ­Magpapaseksi rin ba ako? Hindi dapat ganoon. But may time for it,” rason ng ­Kapuso sexy actress.

Feeling ba niya, magsu-showbiz din si Nico?

“No! No! Tingin ko if he will have a show, it will kill the magic. Ito, maganda pa ring tingnan coz it’s private, very home. Very natural. Pag may acting na, mag-iiba.

“Puwede siya sa sports or interview tungkol sa agriculture. Pero he has so many businesses. May farm kami sa GenSan. Dapat hands on din siya roon,” sey ni Solenn.

Nabanggit ni Solenn na nagkaroon ng offer kay Nico para maging leading man mula sa GMA. ­Super tanggi ni Solenn sa offer sa asawa. Ander-de-saya niya ang asawa?

“Parehong makulit kami dalawa. Minsan mas right siya, minsan mas right ako. But we’re parang magkaibigan lang.

“Kasi we don’t fight. That’s the annoying part! Ha! Ha! Ha!” bulalas ni Solenn.

Sa September 3 na ­mapa­panood ang ASV at co-host ni Solenn si Betong Sumaya mula sa direksyon ni Louie Ignacio.