Una sa Balita

I KNOW BETTER!: Sharon, type maging ‘dyowa’ si Coco!

By
Sharon Cuneta
0 4

Pinasok na rin ni Sharon Cuneta ang Instagram. Ibinalita niya ito sa kanyang Facebook at Twitter account. Pero wala pa raw siyang napu-post sa IG.

Ang official account ni Shawie sa IG ay @ReallySharonCuneta. Inuuna kasi niya ang pag-post sa official YouTube channel niya. Bisi-bisihan pa raw ang anak niyang si Kakie (Frankie) dahil kung hindi, baka isinabay na rin niya ang pagkakaroon ng snapchat.

Sa bagong post na ito ng megastar, umiral muli ang pagiging komedyante niya. Inilabas niyang frustrated siya na hindi nakadalo sa Star Magic Ball dahil kasabay ito ng concert niya sa Solaire.

“Kay tagal ko talagang hinintay maka-attend ng Star Magic Ball ng PAYAT kasi nahihiya ako pumunta ng ten years every year I was invited, at baka mapagkamalan na ako ‘yung BALL o kaya ako ‘yung buffet table. Tapos, wala rin. Kasabay ng concert ko this year…Tsk tsk tsk…Di pa rin ako maka-recover dahil sa sama ng loob!

“Nekshyir na talaga God-willing! Gusto kong mapagkamalang ako ang girlfriend ni Coco na ‘di nila kilala kung sino kasi ampayat! And (thanks to Mommy Elaine and my Gamboa clan’s genes na walang katulad ang kutis at youthful looks that they ALWAYS look much younger than their age!-) ambata (Uyy. Nahipan na naman ng hangin sensya na po.)

“Sabi nila, sino yan? Pala ako lang. NAKS! Nakakahiya man kay Coco, bakit naman ang bilis ng brains niyo? Sinabi ko bang Martin? Aba sana nga siya! Kasi baka wala naman akong ex o friend na available at si Kiko di rin puede, eh kay Awra ako mapunta.

“Generous pa naman ako sa mga bata! Gown naman ang ipapamana ko sa kanya eh di nagmukha naman kaming “dats my tomboy” pareho? Ay nako, san san na naman mapupunta ito!” bahagi ng post ni Sharon.

Bilang panghuli, nagpasalamat si Shawie sa pagtawa sa posts niya, sa pagmahahal sa kanya.
“I love you all!! Sorry ha I could only reply to a few of your messages kanina. Malapit na akong ma-carpal tunnel syndrome sa kakatype (ah, ang hahaba ng posts ko do you wonder why? Aside from wanting to make kuwento, I AM REALLY, REALLY FAST TYPER!)

“Sweet dreams and God bless us all!!!”

Super-rich na negosyante, hanga
sa Derek-Lovi-Boyet movie!

Derek, Lovi at Boyet
Derek, Lovi at Boyet

Nasa taping ng Someone To Watch Over Me si Lovi Poe habang nasa Bali, Indonesia si Derek Ramsay nang matanggap ang balitang malakas sa takilya ang movie nilang The Escort na nagbukas sa sinehan last Wednesday.

Kahit paulan-ulan nu’ng opening day, P5M gross pa rin ang kinita sa takilya ng Regal movie. Eh ang maganda pa nito, nagdagdag ng sinehan kahapon kaya naman palabas na ito sa 145 cinemas ayon kay Roselle Monteverde.

Nakalinya na rin ang block screenings ng The Escort. Sa Viber post ni Jojie Dingcong na manager ni Derek, may nag-congratulate daw sa Instagram post niya na isang super-rich na negosyante na may-ari ng ilang buildings sa The Fort. Nagpahatid ito ng congratulations na ikinatuwa ng manager dahil hindi pala conservative ‘yung negosyante.

Nagpasalamat naman si Direk Enzo Williams kay Roselle, Direk Manny Valera pati na sa buong team lalo na sa director of photography at production designer pati na sa mga artista.

“Teamwork = Better movie. Good job everybody!” post ni Direk Enzo.

Bago ang showing ng The Escort, sinimulan na ng director ang bagong movie na The Enzo Pastor Story na si Derek din ang bida. Tungkol ito sa pinaslang na car racer at nu’ng premiere ng TE, kasama niyang nanood ang ama ni Enzo at pinakilala kay Mother Lily.