Una sa Balita

I KNOW BETTER: ROXANNE AND WILL, MASIDHI ANG LAPLAPAN!

By
0 10

Umaapaw ang pagmamahalan nina Roxanne Barcelo at Will Devaughn sa movie nilang I Found My Heart in Santa Fe.

Sila tala ang unang naka-devirginize sa lugar na ‘yon dahil sa Santa Fe ginawa ang kabuuan ng pelikula.

Nailabas ng director na si Bona Fajardo ang ganda ng beaches sa Santa Fe. Dumagdag pa sa ganda ng lugar ang paglapat ng musika sa mga eksena ng pelikula gaya ng Morning, Noon and Nightime at tatlo pang musika.

Eh, unlike romantic movies na puro hugot ang maririnig na dayalog, sa IFMHISF, ginamit ng real lovers ang kanilang mga mata sa mga lambingan at kilig scenes, huh!

Sa bandang huli ng pelikula, bumigay na nang todo sina Roxanne at Will na masidhi at punumpuno ng pag-ibig ang kanilang lips to lips!

Kaya naman ‘yung taong dumagsa sa celebrity screening ng movie, pati na ang Mayor ng Santa Fe ay lumabas na masayang-masaya after nilang mapanood ito.

Bahagi ng Sine Loka ng I Found My Heart In Santa Fe na mapanood ngayong darating na Miyerkules.

Ellen, kinaiinggitan dahil kay John Lloyd!

Pinagpistahan sa social media ang landian nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna sa Santa Fe, Bantayan, Cebu City. Kada lumalabas na pictures nila eh, may bagong nakikita, huh!

Ang latest photos nila ay ang pag-akyat sa puno ng niyog ni Ellen at ang paghawak ni JLC ng legs ni Ellen, huh!

Kung sa unang mga photos at videos ay mula sa mga kaibigan ng dalawa, this time, may nanggaling na sa Instagram ng seksi star. Lantaran na talaga ang lambingan nila!

Tanong tuloy ng netizens, “How to be you po, Ellen?”

Siyempre naman, si Ellen ang kalambingan ni JLC na isa sa eligible bachelors ngayon sa showbiz. After Shaina Magdayao and Angelica Panganiban, nagpabingwit si Lloydie kay Ellen, huh!

Wala namang pakialam sina JLC at Ellen kung pagpistahan sa socmed ang kanilang landian, huh!