Una sa Balita

I KNOW BETTER: Pinoy sa Paris, nagkagulo sa kasal!

By
0 109

Nagkagulo ang mga Pinoy sa Paris, France na sumaksi sa ginanap na kasal nina Dr. Vicki Belo at Hayden Kho.

Imagine nga naman, nakita nila ang mga iniidolo nilang sikat na artista na invited sa tinaguriang Wedding of the Year, huh!

Imagine nga naman, dumalo sina Dingdong Dantes, Marian Rivera, Alden Richards, Piolo Pascual, Richard Gomez, Lucy Torres-Gomez, Ogie Alcasid, Rhian Ramos, Zsa Zsa Padilla, Jinkee Pacquiao, Pops Fernandez, Regine Velasquez at marami pang iba.

Engrande kung sa engrande ang kasal base sa photos na naglabasan sa social media.

Hindi natin masisisi ang mag-asawa dahil minsan nga lang sa buhay ng tao ang ikakasal, huh!

Walang basagan ng trip!

Pinsan ni Kiko, namatay…

Nakatanggap ng malungkot na balita si Sharon Cuneta habang kinu-compose ang birthday message sa anak na si Miel.

Habang nagsi-celebrate nu’ng Sabado ang bunsong babae nina Sen. Kiko Pangilinan at Shawie, nakarating sa kanila ang balita na namatay ang first cousin ng senador, si Mitch P. Roa.

Ibinahagi ni Shawie sa kanyang Instagram ang balitang ‘yon. Ninong siya ng anak nilang si Frankie.

“He had just celebrated his 60th birthday last July, and it’s still very hard for us to believe that he is gone,” bahagi ng post ni Shawie.

Gayunpaman, kinailangan niyang pumunta sa isang variety show kahapon para mag-promote ng ipalalabas niyang movie na Ang Pamilyang Hindi Lumuluha.

Sa post ni Shawie, reedited ang una niyang indie movie at Director’s Cut ang mapapanood sa Sept. 6. May mga blooper pa raw na ipapakita sa showing nito sa sinehan nationwide.

Regal Films, ratsada!

Ratsada ang Regal Entertainment sa sunud-sunod nilang paggawa ng pelikula. Waiting na for showing ang all-female cast sa horror movie na The Debutantes, Recipe for Love nina Christian Bables at Cora Waddell, at My Fairy Tail Love Story nina Elmo Magalona at Janellla Salvador.

Tapos na rin ang shooting ng isa pang horror movie na Haunted Forrest na millennial stars ang mga bida at directed by Ian Lorenos.

Kamakailan ay nag-story conference ang bagong pagbibidahan ni Sylvia Sanchez na movie, ang Mama’s Girl. Kasama niya rito ang umano’y rumored lovers na sina Sofia Andres at Diego.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy