I KNOW BETTER!: PDU30, Alden, Vilma, John Lloyd, hinikayat ang mga Pinoy na tangkilikin ang MMFF!

By

Sikat na personalidad sa pulitika at showbiz ang hini­ngan ng Metro Manila Film Festival Executive Committee upang iendorso ang walong pelikulang mapapanood simula sa Linggo, Disyembre 25.

Ayon kay MMFF Chairman Tim Orbos, “Ngayon pa lang, panalo na tayo!”

Nangunguna si President Rody Duterte na nagbigay ng endorsement sa 2016 MMFF. Bukod sa kanya, hinikayat din nina VP Leni Robredo, DepEd Secretary Leonor Briones, Congresswoman Vilma Santos-Recto, Congressman Alfred Vargas, John Lloyd Cruz, Alden Richards, Olympic silver medalist Hidylyn Diaz at Mocha, ang publiko na tangkilikin ang pelikulang Pinoy.

Kung may pagbabago sa uri ng pelikulang mapapanood, maging ang ruta ng Parade of Stars nu’ng Disyembre 23 ay binago rin. Sa halip na sa SM Mall of Asia magsimula, sa harap na ng Manila City Hall nagtipun-tipon ang floats ng walong kalahok.

Umikot ito sa Chinatown, C.M. Recto Avenue, Rizal Avenue at sa Plaza Miranda ang ending. Sa lungsod ng Maynila ito umikot matapos ang 42 taon.

After ng parade, gaganapin naman ang Gabi ng Parangal sa December 29 sa Kia Theater kung saan igagawad din ang best float. Tuloy rin ang Kids Choice Award at head jury ang prem­yadong batang aktres na si Teri Malvar.

Mother Lily, ‘full blast’ sa 2017!

Roselle, Mother at Dondon

Mother Lily, Roselle and Dondon Monteverde are back in town! Galing sa Japan ang mag-iina kasama ang ilang apo.

Sa picture na ibinahagi ni Roselle, lubus-lubos ang kaligayahan ng Regal matriarch sa biyahe niyang ito. Bihirang bumiyahe si Mother kaya naman sinulit niya ang bawat araw na nasa Japan siya.

Agad umapir si Mother sa premiere night ng Seklusyon na produced ng Reality Entertainment ni Dondon. Then, inayos ang malaking birthday celebration ng asawa niyang si Father Remy Monteverde ngayong Pasko, Disyembre 25.

Eh halos plantsado na rin ang ibang detalye ng promotions ng Die Beautiful ni Paolo Ballesteros kaya wala nang masyadong alalahanin si Mother. Next year, full blast muli ang Regal dahil ready na ang ilang movies na handog nila sa manonood.


SHARE