Una sa Balita

I KNOW BETTER!: Mother Lily, tumatanaw ng utang na loob sa entertainment press!

By
0 423

Nagpadala agad ng mensahe si Congresswoman Vilma Santos-Recto nang makarating sa kanya ang panalo bilang unang Best Actress recipient ng The Eddys/The Entertainment Editors’ Awards mula sa Society of Philippine Entertainment Editors (SPEED).

Kasalukuyang nasa America si Ate Vi at sa July 17 pa ang balik niya ng bansa. Nagwagi siya para sa pelikulang Everything About Her.

Tagumpay na nairaos ng SPEED ang una nilang pagbibigay ng awards sa movie. Jampacked ang Kia Theater nu’ng Linggo nang gabi at star-studded ang performers at presenters.

Present naman ang special awardee na si Boy Abunda na tinanggap ang Joe Quirino Award.

Gayundin si Mother Lily Monteverde na tumanggap ng Producer of the Year for The Eddys.

Kasama ni Mother ang mga anak na sina Dondon at Roselle Monteverde, apo na si Brigitte at daughter-in-law na si Grace Monteverde.

Mahalaga ang special award na ‘yon para sa Regal producer dahil malapit sa puso niya ang editors mula sa entertainment press. Malaki ang utang na loob niya sa tagumpay ng Regal more than six decades ago.

“All these would not have been possible if not for the generous help of the entertainment press and editors, who firmly believed in my dreams, vision.

“I am so touched by this award and I want to share it with you all. This is yours as much as it is mine. I am beyond grateful to you, my dear entertainment editors,” bahagi ng speech ni Mother.

Hindi man nakarating ang ilan sa major winners, kuntento na ang SPEED sa suportang ibinigay ng ilang haligi sa movie industry gaya ni Boots Anson-Rodrigo, Liza Dino ng Film Development Council of the Philippines at Aiza Sguerra ng MTRCB.

Tumanggap naman ng papuri sina Nora Aunor, Rhian Ramos, at Christian Bables na nominado rin.

Hindi man sila pinalad mag-uwi ng tropeyo, na­ging malawak naman ang isipan nilang dumalo, manalo man o hindi. Take note na tinapos talaga nila ang seremonyas, huh! Dumalo rin si Isabel Lopez.

Take a bow, SPEED!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy