I KNOW BETTER!: Mga taga-Cavite, nabulabog sa ‘presence’ ni Maine!

By

Naispatan si Maine Mendoza ng fans sa isang food chain sa Naic, Cavite na iniendorso nila ni Alden Richards. Simpleng-simple lang daw ang getup niya with matching cap.

Nagulat nga ang taong kumakain doon dahil nakapila si Meng sa counter na umu-order ng food. Siyempre, sikat kaya may mga taong nagpa-picture.

Hindi raw nagdamot ang Phenomenal Star sa request ng taong nandoon kaya tuwang-tuwa sila sa kabaitan niya.

Kasunod naman nito ang Instagram post ni Maine na nanggulat na naman sa kanyang red two-piece bikini.

comfort zone 🌊

A post shared by Maine Mendoza (@mainedcm) on

Nasa beach siya na kanyang comfort zone at kasunod naman nito ang litrato niyang nasa infinity pool habang tanaw ang dagat.

“My kind of Sunday afternoon,” caption ni Maine na katatapos lang i-celebrate ang second anniversary ng AlDub loveteam sa Eat Bulaga nu’ng Sabado pero last Sunday talaga ang anibersaryo nila.

Hinahanap nga ng fans ni Maine si Alden sa lakad niyang ‘yon na may prior commitment naman.

Mika at Jerome, lantaran na ang relasyon!

Special guest ng star volleyball player na si Mika Reyes ang aktor na si Jerome Ponce sa victory party na Petron team nang mag-champion ito sa katatapos na PSL tournament.

Nakuhanan  sila ng picture na magkasama ng isang kaibigan habang nagdi-dinner sila sa Alex III.


Wala naman silang public display of affection sa dinner. Nagpakita lang ng support si Jerome kay Mika.

Noon pa natsitsismis sina Jerome at Mika, at hindi naman nila itinatanggi ang kanilang relasyon.

Heart at Iya, mega-pictorial  sa Jewel In The Palace!

Na-in love si Heart Evangelista sa South Korea habang nagti-taping doon ng GMA series niyang My Korean Jagiya.

Sa posts niya sa IG, nakasakay siya ng train na ang location ay DongDaemin District. May eksena rin siya sa Nami Island kung saan may isang lalaking nakatalikod na kasabay niyang nagba-bike. Kanya-kanyang hula ang followers niya kung sino ang guy na ‘yon.

 

Pinatakam din ng Kapuso Sweetheart ang followers niya nang mag-post ng Korean food.

Overload na nga raw siya ng appetizer na kimchi mula nang dumating sa SK.

Sa isa post naman ni Redgie Acuna Magno, nasa set sila ng K-drama na Jewel in The Palace habang kasama sina Heart at Iya Villania na kasama sa series. Mega-pictorial nga sila sa magandang lugar na `yon.

SHARE