I KNOW BETTER!: MEGAN, TAWANG-TAWA SA PAGMUMUKHA NI AI AI!

By

Megan Young
Megan Young

Nawawala pala min­san si Megan Young kapag kaeksena niya si Ai Ai delas Alas na nagpapaka­wala ng punchlines sa ilang eksena nila sa Our Mighty Yaya. First time kasi ng former Miss World gumawa ng comedy film kaya naman may moment siyang natatawa pag take, lalo na kapag nakikita na niya ang mukha ni Ai Ai, na nagpapatawa.

“Hindi naman talaga ako nagku-comedy eh. May nasubukan ako na show na comedy pero ‘yung funny scenes are very new to me.

“So nu’ng makasama ko ang Comedy Queen, nakakatawa! Kasi pag may eksena kami, hindi ako makapag-focus! Kasi kailangan medyo masungit ang character ko! Ha! Ha! Ha!

“Kasi tawang-tawa na ako sa mga eksena namin! So ‘yun ‘yung difficult piece pero not so difficult din. It’s the experience. Panalo ‘yung fun!” pahayag ni Megan sa grand presscon ng Joey Reyes movie.

Sa totoo lang, ipinaubaya na ni Ai Ai kay Megan ang kaganda­han sa kabuuan ng movie. Pinapangit kasi niya ang sarili ng maglagay na pekeng ngipin para mabago ang looks niya!

“Sa kanya na ang ganda! Ha! Ha! Ha! Sa akin na lang ang patawa rito,” bulalas naman ni Ai Ai.

Para kay Ai Ai, makaka-identify ang millennial sa bago niyang offering.

“Simple lang naman ang movie eh. Happy, heartwarming at saka pampamilya. Kapag napanood ninyo ito, masasabing, ‘Ay ang gandang movie!’ Saka pambata!” tugon ni Ai Ai.

Magsisilbing Mother’s Day presentation ng Regal ang Our Mighty Yaya na showing na sa May 10. Nasa cast din sina Zoren Legaspi, Sofia Andres at Lucas Magallano.

SHARE