I KNOW BETTER!: MARK AT WINWYN, ENGAGED NA SA JAPAN

By

Mark at Winwyn
Mark at Winwyn

Patuloy ang pagliliwaliw sa Japan ng lovers na sina Mark Herras at Winwyn Marquez. Wala silang keber sa malamig na weather ng bansa dahil dama naman ang init ng pagmamahalan nila sa videos na pinost ng Kapuso actor.

Go nang go si Mark sa deklarasyon niya ng pagmamahal kay Wyn. Love of my life ang tawag niya sa Kapuso actress. Pa-sweet pang caption ni Mark sa isang picture ng girlfriend, “My heart melts everytime I see that smile…”

Siyempre pa, pumasyal ang dalawa sa Universal Studios at nagpiyesta sila sa Japanese food.
Sa isang video, naglapat ang labi ng dalawa na parang may pahaging na engaged na sila ni Wyn, huh!

NORA, SUMAMA SA ARTISTS FOR PEACE!

Nakibahagi si Nora Aunor sa ginawang Artists For Peace (A4P) last Friday na pinost ni Bibeth Orteza sa kanyang Facebook account. Sa isang picture, kasama naman niya sina Direk Joel Lamangan at Mae Paner.

Nanawagan silang ituloy ang nakabinbing peace talks ng adminis­trasyon at mga leftist group.

Nitong nakaraang Valentine’s Day naman, pinangunahan ng stage actress na si Monique Wilson ang One Billion Rising march sa Liwasang Bonifacio sa pakikipagtulungan sa grupong Gabriela. May kinalaman ito sa pagsupil sa violence against women at pagpapatuloy ng peace talks.

Bibeth at Nora
Bibeth at Nora

Kahapon naman, Sabado, nagkaroon ng Walk For Life sa Quirino Grandstand. Sa post ng TV host-inspirational speaker na si Michael Angelo (HAPIKAT), “It is our simple and yet firm expression of our faith and belief that every life matters.”

Eh next week, 31 years na ang EDSA Revolution. Ano naman kayang kaganapan ang mangyayari?

SHARE