Una sa Balita

I KNOW BETTER!: ‘Mano Po’ ni Richard Yap, pasabog bago ang Pasko!

By
0 1

Hindi next year, kundi ngayong Dis­yembre nakatakdang ilabas ng Regal Entertainment, Inc. ang Mano Po 7: Chinoy na pinagbibidahan nina Richard Yap, Jean Garcia, Janella Salvador, at marami pang iba.

Gusto ng mag-inang Lily at Roselle Monteverde na bigyan ng maagang Pamasko ang manonood na naghihintay sa bagong installment ng movie kaya inaayos na ang playdate nito ngayon.

Komo matagal na ‘yung huling MP, si­yempre, ito na ang pinakabongga at pinakamalaking drama franchise sa history ng local films. Panalo ang mga eksena sa Taiwan at ‘yung kuwento ay pampamilya talaga!

There’s life after the announcement of 2016 MMFF official entries kaya todo-todo ang sayang mararanasan ng pabuloso na entertaining movie pa rin gaya ng Mano Po 7, huh!

Atty. Acosta, ‘di pinangarap maging Associate Justice!

Hindi pinangarap ni Atty. Persida Acosta, Public Attorney’s Office chief na ma­ging judge. Pero sa tinatakbo ng career niya ngayon, mukhang doon din siya papunta.

Nitong nakaraang mga araw, nominated si Atty. Persida bilang Associate Justice ng Supreme Court. Si Senator Juan Miguel Zuburi ang nag-nominate sa kanya sa Judicial Bar and Council.

“Siyempre, hindi ko matanggihan ang nomination ni Senator Zubiri kaya nagpa-interview ako,” sabi niya sa get together niya with the entertainment press kahapon.

Naging kontrobersyal nga lang ang mga tugon niya lalo na sa parteng pagbibigay ng mas mabigat na parusa sa mga babaeng nakikiapid.

“Sa batas lang naman ako. Di ba, pag ang isang babae ay nagtaksil sa asawa at nagkaroon ng anak, madalas na hindi nagiging maganda ang consequence nito. Maiksi kasi ‘yung oras sa interview kaya hindi ko ma-expound nang mahaba,” rason ng PAO chief.

Pero lingid sa kaalaman ng marami, unang nagtrabaho si Atty. Acosta sa Supreme Court bago pa naging PAO chief.