Una sa Balita

I KNOW BETTER!: Kris, humirit ulit ng tsikahan kay Maine!

By
0 56

Mas pinaboran ng mga tao ang interview ni Kris Aquino kay Maine Mendoza kesa kay Vice Ganda para sa kanyang Facebook live. Sa post ni Kris sa kanyang Instagram kahapon, ibinalita niyang nag-hit na ng 1M views ang one on one interview niya kay Maine, huh!

Mahalaga kay Kris ang interview niyang ‘yon dahil ‘yon ang sabak niya sa digital world.

Bilang tugon sa hi­ling ng netizens, magkakaroon si Kris ng mahaba-habang interview kay Maine. Sit down interview ‘yon kaya magbubun­yi to the max ang fans ng Phenomenal Star.

Sa isa namang post ng Multi-Media Star, magsu-­shoot na rin daw siya ng food trip episodes na alam niyang na-miss ng mga tao. Pero mas excited daw siya sa Lunes dahil sa meeting na magaganap, manggagaling pa sa ASEAN country ang kausap niya na magpi-present ng bagong project na ang ka-meeting ang nag-conceptualized.

Sa totoo lang, kahit sa free TV o sa digital world, ­sinusubaybayan talaga ng tao si Kris, huh!

Heart, mangiyak-ngiyak sa bagong bahay!

Malapit nang matapos ang pinatatayong dream house ni Heart Evangelista. Ayon sa post niya sa kanyang Instagram account, ­tuwing binibisita niya ang pinatatayong bahay, halos ­mangiyak-ngiyak siya.

Siyempre, bunga ‘yon ng maraming taon ­niyang pagkayod. Kaya sagad ang pasasalamat niya sa ­Diyos.

“You are just amazing God! Thank you for ­everything tears, pain and joyful times. In your ­perfect time talaga! Wow! My home is almost done nit yet but getting there!” caption ni Mrs. Chiz ­Escudero.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy