Una sa Balita

I KNOW BETTER!: KRIS-BISTEK V-DATE, NAUNSYAMI!

By
0 12

HAPPY Valentine’s Day!

Maagang nakatanggap ng bulaklak si Kris Aquino bilang regalo sa kanyang birthday nga­yon. ‘Yun nga lang, galing ‘yon sa isang kaibigan at hindi kay Mayor Herbert Bautista.

Nagluluksa kahapon ang Bautista family, Herbert, Hero at Harlene dahil sa pagkamatay ng tatay nilang actor-director na si Butch Bautista.

Anyway, bumiyahe na nga si Kris at kasama ang dalawa niyang anak. Nitong madaling-araw ang biyahe nila pero walang destinasyong inilagay ang host-actress sa Instagram account niya kung saan.

Nagparating kami ng pakikiramay via text kay Mayor Herbert. Ang labi ng father niya ay sa Loyola Commonwealth ilalagak.

Ang aming pakikiramay sa Bautista family…

V-DAY CONCERTS, SANGKATUTAK!

Sangkatutak ang Valentine shows ngayong araw na ito. Kahit ma-traffic, hindi mapipigilan ang Pinoy lovers na i-celebrate ang Hearts Day.

‘Yung mahihilig sa throwback songs, sumugod kayo sa Masquerade nina Martin Nievera at Lani Misalucha sa Grand Ballroom ng Solaire Resort & Casino. Senti-senti naman kayo for a change.

Kung gusto naman ninyo ang malapit na venue at mautot sa katatawa, gora kayo sa #Hugot Playlist sa Kia Theater sa Cubao para maaliw kina Ogie Alcasid, Erik Santos at Ai Ai delas Alas. Special guest ang seksing si Solenn Heussaff na makikipagkabugan kay Ai Ai, huh!

Sa gusto namang maaliw habang kumakain ng dinner, masarap na food at tatlong henerasyon ng musika at pag-ibig ang mapapanood sa Generations of Love sa 38 Valencia Events Place. Si Mother Lily ang producer nito at meron siyang special participation sa dinner-show.

Damhin ang galing ni Raul Sunico sa piano, ang husay ng tenor na si Dr. George Yang at ang musika ng cute na child wonder na si Kristal Brimner. May special participation din sa show si Sen. Dick Gordon.

Love, love, love tayong lahat sa Valentine’s Day!

Rodjun Cruz
Rodjun Cruz

RODJUN, MAY CAREER KESA KAY RAYVER!

Tapos na ang bit at supporting roles na madalas gawin ni Rodjun Cruz sa Kapuso programs. Matapos ang matagal na paghihintay, full-pledged leading man na siya sa afternoon drama na Legally Blind.

“Kaya nga po ever since, sobrang thankful ako sa GMA dahil sila ang nagbibigay sa akin ng challenging roles. Actually, maging support po ako o lead, nasa performance mo na rin ‘yon kung pagtitiwalaan ka,” say ni Rodjun.

Sa programa, pag-aagawan siya nina Janine Gutierrez at Lauren Young. Ano ang nararamdaman niya?

“Feeling ko, ang hirap palang maging Elmo (Magalona)! Ha! Ha! Ha!” biro ng aktor.

“Napakagaling nila. Sobrang galing nila na kapag ginagawa namin ang eksena, parang hindi na kami umaarte. ‘Yung role ko, mahirap kasi dalawang magandang binibini ang katrabaho mo,” sey niya.

Wala naman daw selos ang girlfriend na si Dianne Medina. Sino ang mas maganda sa dalawa?

“Tatawagan ko muna si Pareng Elmo! Ha! Ha! Ha!” tugon ni Rodjun na mas may career sa kapatid na si Rayver Cruz ayon sa ilang press.