Una sa Balita

I KNOW BETTER!: Karel Marquez, super-rich ang mister!

By
0 113

Isang sosyal na sasakyan na BMW ang regalo ng aktres na si Karel Marquez sa asawa niyang si Sean Farinas. Naka-display sa isang Instagram account ang nasabing sasakyan na ayon sa balita ay P4M ang ha­laga, huh!

Kahit may anak na, nahulog pa rin ang loob ni Sean kay Karel. Sa Japan nga ginawa ang kanilang pre-nuptial pictorial, huh! Eh, sabi nga, super-rich din ang napa­ngasawa ng aktres.

Sey tuloy ng mata­tabil na dila sa showbiz, hindi na kailangang kumayod pa sa showbiz ni Karel dahil kayang-kaya siyang buhayin ng asawa, pati na anak niya!

Pampelikula ang buhay…

Pampelikula ang kuwento ng buhay ng DIWA (Democratic Independent Workers Association) party-list representative Atty. Emmeline Aglipay-Villar. Biktima siya ng sakit na lupus pero kahit nalampasan niya ang sintomas ng sakit na ‘yon, patuloy pa rin siyang umiinom ng gamot upang maging maayos ang katawan.

Ayon kay Atty. Villar, 2007 at wala pa siyang asawa nu’ng maglabasan ang sintomas ng sakit. Nalagas ang mga buhok, nagkaroon ng arthritis, ­lesions sa mukha at namaga ang mga paa. Nang na-diagnose lang ng doktor saka nalamang me­ron siyang lupus.

Ang lupus ay isang autoimmune disease wherein the immune system attacks healthy cells and tissues. Ngayon, maayos na ang hitsura ng kongresista at may anak na silang isa ni Secretary Mark Villar ng Public Works and Highways.

Kaya naman upang magkaroon ng malawakang campaign para sa public awareness sa sakit na lupus, itinatag niya ang Hope for Lupus Foundation na magkakaroon ng launching ngayong Disyembre 4 sa Cultural Center of the Philippines.

Ang launch ng foundation ay magpi-feature ng exhibit na Lupus Warriors at isang musical play na Mabining Mandirigma tungkol sa buhay ni Apolinario Mabini. Gaganapin ang play ng 3PM sa CCP after ng launching. Lahat ng proceeds nito ay ibibigay sa Bridging Lupus Fund para sa benefit ng mahihirap na lupus patients sa PGH.

Hangad ni DIWA Rep. Villar na sa pamamagitan ng foundation, makakapag-establish nila ng Lupus-free Philippines.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy