Una sa Balita

I KNOW BETTER!: Kapuso actresses hataw sa charity works ngayong Pasko

By
0 109

Kanya-kanyang gawa ng charity works ang ilang Kapuso actresses ngayong holidays. Isa riyan si Solenn Heussaff na ang isang ethnic tribal group sa Bukidnon ang binigyan niya ng Pamasko.

Dumayo sa Mindanao ang Encantadia star upang daluhan ang 4th Sacred Custo­mary Compact Celebration of Unity and Peace na ginanap kamakailan lang. Naghandog siya ng painting niya na siya mismo ang lumikha.

Nagkaroon din siya ng immersion sa kultura ng mga tribal group na kanyang nakasalamuha.

“Words can’t describe how this felt and what an honor it was for me to meet all of them today and the Datus as well. Blessed I could help in my own way,” saad ni Solenn.

Si Lovi Poe naman, mga bata ang binigyan niya ng regalo ngayong Pasko. Mga bata ng Child Hope Asia, isang samahan na tumutulong sa mga street children, ang pinasaya ng bida ng Someone To Watch Over Me nang bumisita siya rito kamakailan.

Siyempre pa, very fulfilling ang makagawa ng ganito dahil nakakapag-share ka ng blessings sa ibang tao. Patunay lang ito na kahit marami siyang trabaho eh, may oras pa rin siya pagdating sa pagtulong sa kapwa.

Annette Gozon at Shintaro Valdes malaya
nang ilantad ang relasyon

Shintaro Valdes
Shintaro Valdes

Opisyal na yatang couple si Atty. Annette Gozon at da­ting aktor na si Shintaro Valdes sa nakita naming post ng Abante Tonite columnist na si Noel Ferrer.

Naka-post sa Instagram ni Noel ang, “CONGRATULATIONS & BEST WISHES Mr. & Mrs. SHINTARO & ANNETTE GOZON-VALDES – (Maybe) this time will be a better chance for us, maybe this time, it’s gonna be something real. It’s been madn

ess all the way, but maybe fate (faith) has changed her (our) ways, and I hope this time proves to be true. #friendsfamily #thebestgift #second chance.”

Apparently, annulled na ang kasal ni Miss Annette sa unang asawa kaya malaya na siyang ilantad ang relasyon nila ni Shintaro.

***

Walang patid ang pamamayagpag sa ratings ng Magpakailanman ng GMA Network. Very now kasi ang mga kuwento at hindi rehashed, huh!

Gaya last week, ‘yung mga kuwento ng biktima ng nakaraang Davao City bombing ang inilahad sa magkasunod na Sabado. Dahil sa weekly drama na hinu-host ni Mel Tiangco, umapaw ang pakikiramay at naging usap-usapan ito sa social media.

No wonder, sadsad sa ratings ang katapat na programa ng Magpakailanman dahil sa kakaibang istoryang itinatampok! Ngayong Bisperas ng Pasko, Disyembre 24, siguradong kaantig-antig na naman ang hatid ng Kapuso Saturday drama.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy