Una sa Balita

I KNOW BETTER: JULIAN, BET MAGING NINONG SA BABY NINA ALJUR-KYLIE!

By
0 6

Payag si Julian Trono na maging ninong ng anak nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

“I would love to,” rason ng young actor na bida sa Fan Girl/Fan Boy, with Ella Cruz.
“Okay kami (ni Kylie)” dagdag ni Julian.

After Kylie, sa ka-loveteam niyang si Ella siya nali-link. Dati silang magkasama sa Tropang Pochi sa GMA. Bata pa raw sila noon kaya wala sa isip niya ‘yung panliligaw.

So, ano ang gustung-gusto niyang tingnan kay Ella?

“Ang cliché kasi ‘pag sinabi kong mata. Pero mata talaga ang gusto ko sa kanya. Kasi malalim siyang tumingin eh,” saad niya.

Wala pa ba silang relasyon?
“Wala pa. I would love to share kung meron man. Promise.”
Nakailan na ba siyang GF?

“Bilang sa kamay. Sa isang kamay lang bilang,” sey niya.

Lingid sa kaalaman ng marami, mahilig gumawa ng tula si Julian.

Kylie, Baby at Aljur Abrenica
Kylie, Baby at Aljur Abrenica

Nakagawa siya ng tula na 99 For Fan Girl. Hindi raw bahagi ng movie nila ni Ella ‘yon.

“I have been writing a lot. May naka-dedi­cate sa kanya.

Goal lang ‘yung 99 pero nakagawa na ako ng 12 poems,” balita ni Julian.

VHONG-LOVI, SUPER-BANGO SA PROBINSYA!

Victorious ang ambience sa District 8 gastro pub sa Greenhills nu’ng Huwebes ng gabi dahil sa tagumpay sa takilya ng Regal movie na Woke Up Like This. Aba, sa loob ng isang linggong show ng Vhong Navarro at Lovi Poe movie, kumamada na ito ng P60M, huh!

Kaya naman ang mag-inang Lily at Roselle  Monteverde, abot tenga ang mga ngiti kaya todo ang selebrasyon nila.

Nagmistulang superstar producer si Mother Lily dahil maging ‘yung ibang customers ng bar ay panay ang pa-selfie sa kanya. Ipinagmalaki rin niya sa press ang design ng kanyang gagawing Sound Stage Studio sa lote niya sa San Juan na may kasama pang bar, huh!

Larawan naman ng kaligayahan ang bidang si Vhong. Nasukliang lahat ang kanyang paghihirap sa pelikula at nadama niyang muli ang pagmamahal ng mga tao. Nagpahatid naman ng mensahe si Lovi na sa Paris, France ngayon.

‘WOKE UP LIKE THIS’ VICTORY PARTY
‘WOKE UP LIKE THIS’ VICTORY PARTY

Present din sa V-Party ang iba pang cast gaya nina Cora Waddell, Yana Asistio, Raikko Mateo, Dionne Monsanto, Mitoy Yonting, at Bayani Agbayani.

Ang lubhang ikinagulat ng bookers ng movie ay ang malakas na hatak nito sa probinsya. Super lakas daw  nito sa mga sinehan kaya naman extended pa ang WULT for another week.

Congratulations, Mother and Roselle at to Team Woke Up sa malaking tagumpay sa takil­ya ng pelikula!