Una sa Balita

I KNOW BETTER!: Jennylyn-Jericho, manggugulat sa MMFF!

By
0 6

jennylyn-jerichoTinugunan ng Selection Committee ng 2017 Metro Manila Film Festival (MMFF) ang sigaw ng publiko na bigyan ng oportunidad ang mga batang suki na sa December moviefest. 

‘Yung inisnab na entries ng box-office stars last year eh, pasok agad sa apat na official entries na inanunsyo ng MMFF Executive Committee.

So meron nang mapapanood na Vic Sotto, Coco Martin, at Vice Ganda. Nakasama pa ang pagbabalik-tambalan nina Jennylyn Mercado at Jericho Rosales na nanggulat nu’ng 2015 dahil sa movie nilang #Walang Forever na dinirek ni Dan Villegas mula sa Quantum Films.

Dalawang taon ngang nag-reyna si Jen sa MMFF dahil ‘yung ginawa niyang English Only Please with Derek Ramsay ay surprise blockbuster. Naging Best Actress pa siya, huh!

This time, ang movie nila ay Almost Is Not Enough na si Villegas din ang director. Siyempre, pumasa kay Atty. Joji Alonso ang story nito dahil ang script ng gagawin na movie ay binusisi niyang talaga.

At ngayon pa lang, hinuhulaan na agad na manggugulat na naman ang tandem na ito nina Jericho at Jennylyn!

Anyway, ang natitirang apat na official entries para sa December ay pipiliin base sa finished product na isusumite ng mga producer. Sa November ilalabas kung alin ang masuwerteng movie.

Sa paglabas ng apat na official entries, hindi na kakaba-kaba ang MMFF Execom na mababa ang overall gross ng 2017 MMFF, huh!

‘GULONG NG PALAD’, BUBUHAYIN!

Umaapaw ang kaban ng datung sa Cineko Productions, huh! Katatapos pa lang ng shooting ng movie nina Ai Ai delas Alas, Carmi Martin, Beauty Gonzales, at Zsa Zsa Padilla, heto at may bagong movie agad silang sisimulan, huh!

Ito ‘yung bagong remake ng Gulong ng Palad na hit TV series noon. Bida rito sina Lovi Poe at Erich Gonzales habang si Laurice Guillen naman ang director.

Totoo nga ang balitang magpu-full blast ang bagong movie outfit na ito. Bukod sa Lovi-Erich starrer, meron pa silang ibang gagawin.

At least, may nabibigyan ng trabaho ng ilang artista at production staff na nganga sa pelikula, huh!

HERO, MAAYOS NA MAAYOS NA!

Rare breed sa showbiz ang Bautista family – Mayor Herbert, Konsehal Hero, at Harlene, at pati na rin si Romnick. Imagine, ‘yung ibinilin sa kanila ng yumao na ama’t ina na alagaan at bigyan ng importansya ang entertainment press ay ipinagpapatuloy pa rin nila hanggang ngayon.

Every year, binibigyan ng Bautista family ng birthday treat ang press. Walang pinipili ang pamil­ya. Basta member ka ng press, mainstream man o hindi ang sinusulatan, kasama ka sa blowout.

Biro ni Harlene nu’ng humarap siya sa press last Saturday para sa July to September celebrators sa Salu, “Para na akong si Mommy (Baby)!”

Wala si Mayor Bistek na speaker sa isang mayor’s forum sa Berlin. Pero masayang ibinalita niyang maayos na maayos na ang Kuya Hero niya na maaa­ring sa susunod na birthday treat nila ay makasama na niya.

Maraming-maraming salamat, Mayor, Konsehal Hero, Harlene, at Romnick! Mabuhay kayong lahat!