I KNOW BETTER!: JENNYLYN AT GIL CUERVA, 9 BESES NAGHALIKAN AGAD-AGAD!

By

Pinag-aralang mabuti ni Jennylyn Mercado ang character ni Steffi Chavez para sa local adaptation ng Koreanovela na My Love From The Star. First time rin niyang lumabas na artista sa isang series kaya naman pressured din siya.

Ang baguhang modelo na si Gil Cuerva ang napiling gumanap bilang si Matteo Domingo. Nakitaan agad sila ng chemistry nang humarap sila sa grand mediacon ng GMA primetime series.

“Talaga?” halos chorus na sabi nina Jen at Gil.

“Lumalabas lang siya,” sabi ni Jen. “Nagkakasama lang kami sa set pero hindi kami masyadong nagkakaroon ng bonding moments dahil pareho kaming busy. Pero sa set, nakakapag-usap kami,” dugtong ng Ultimate Star.

Sa panig naman ni Gil dahil first TV series niya ang MLFTS at bida agad siya, marami siyang adjustments na ginawa para sa role.

“Sa start po, natural lang na ma-starstruck ako dahil baguhan lang ako. But I guess as time passed by, nakaya naman,” saad ni Gil.

Nasabak nga agad siya sa kissing scene kay Jen.

“I just want to make it light. Pero nakakahiya naman kay Jen kung di ko magagawa,” katwiran ng baguhang aktor.

#mlftsph #mlfts #mylovefromthestar #jengil #jennylynmercado #gilcuerva #gma #gmanetwork

A post shared by My Love From The Star PH ? (@mlftsphofficial) on

“Saka si Direk, ayaw ng paulit-ulit! Hanggang hindi raw namin nagagawa nang maayos, hindi kami uuwi. Madaming takes. Siguro mga nine takes? Walang daya ‘yon,” sabad ni Jen.


Grabe naman ‘yung nine takes, huh!

“Kasi walang ma-feel si Direk (Joyce Bernal). Feeling niya, nahihiya pa kaming dalawa. So nahihiya kami,” katwiran ni Jennylyn.

Habang nagti-taping, nawala na ang hiya ni Gil kay Jen.
“Siyempre as time went by, naging comfortable ako kay Jen,” tugon ni Gil.

Jackpot agad siya kay Jennylyn, dahil baguhan pa lang siya eh nahalikan na niya ang leading lady niya.

“Opo! Opo! Itong entire show, mala­king blessing,” diin ni Gil.
Ayon kay Jennylyn, very open naman si Gil para matuto.

“’Yung curiosity niya, malala. ‘Anong puwede kong gawin?’ Ganoon. Tapos, ang dami niyang tanong. Gusto niyang matuto,” hayag ng Ultimate Star.

Tinuruan ba niyang humalik si Gil?

“Hindi! Di ba pag kissing scene, lalaki dapat ang magdadala? So inisip lang namin, pag nagawa natin ito ng tama, tapos na tayo. Makakauwi na tayo!” dahilan ng Ultimate Star.
Guwapo ba si Gil?

“Oo! Hindi naman magiging artista ‘yan pag hindi guwapo,” deklara ni Jen.
“Ako ang nailang,” sey naman ni Gil.

Ano ang regalo niya nu’ng birthday ni Jen?
“Binigyan ko siya ng cake! Simple lang,” sagot ni Gil.

Maganda ba si Jen?
“Yes!” deklara ni Gil.

‘Yun nga lang, nine years ang agwat ng edad nina Jen at Gil kaya ang aktres, hindi maisip na papatol siya sa lalaking mas bata sa kanya, huh!

Sa Mayo 29 huhusgahan na si Gil at siyempre, ang pagiging kikay ni Jen sa My Love From The Star.

SHARE