Una sa Balita

I KNOW BETTER!: Jean, Sunshine, ‘NAGPAKASASA’ kay Piolo!

By
0 9

Pinagpistahan ng Kapuso actresses na sina Jean Garcia at Sunshine Dizon ang kaguwapuhan ni ­Piolo Pascual nang magkita-kita sila sa Famas Awards sa Century Park Hotel.

Eh, bihira nga namang mangyari ‘yon dahil magkaiba sila ng network. Kaya naman si Shine, sweet-sweet-an. Say niya sa Instagram, “No caption needed. (Seriously thanks Papa P pleasure working with you)” habang nakayakap sa aktor.

Sumagot naman si Piolo na…

“I enjoyed the night. We’ve come a long way. Happy to see you again Shine. Work soon…”
Heto naman ang caption ni Jean habang ­katabi si Piolo habang nakakunot naman ang noo sa ­nakaupong si Enchong Dee.

“Haayy masarap ang tulog ko dahil sa ‘yo Papa P @piolo_pascual. O bakit Enchong?!!! Parang may reklamo ka? Wag kang mag-aalala magpo-post ako nu’ng sa atin. Wait ka lang ha? Hahahaha!”

Anyway, sa December 9, si Richard Yap naman ang makakasama ni Jean para sa parade na susundan ng premiere ng Regal movie nilang Mano Po 7 Chinoy habang si Sunshine, si Gabby Concepcion naman ang asawa niya sa GMA afternoon drama na Ika-6 an Utos na nagsimula kahapon after Eat ­Bulaga.

Vivian, palaban vs. VP Leni!

Vivian Velez
Vivian Velez

Hindi nagpadaig si Vivian Velez sa mga dumipensa kay Vice President Leni Robredo nang mag-resign bilang Housing Czar sa admi­nistrasyon ni President ­Digong Duterte.

Sa kanyang Facebook post, inilabas ng senior actress ang damdamin niya sa balitang ito.

“Great news that Leni was fired. Robredo­ was seen with Mar ­Roxas at the ­anti-Marcos anti-Duterte rally at People’s Power Monu­ment in White Plains. She would have been a hypocrite indeed if she keeps on attending cabi­net meetings when she is against the Duterte go­vernment. It’s not wise to have an enemy within. And the nerve of that woman to keep on using the word “steal”. Who really stole the VP?”

Gaya ni Mocha Uson, palaban na supporter ni P-Digong si double V, huh!

MMFF, change pa more sa patakaran!

Merong magaga­nap na Parade of Stars para sa 2016 Metro Manila Film Festival sa December 23. Ayon ito sa publicist ng MMFF na si Noel Ferrer.

Kumalat kasi ang balitang tatanggalin na ang tradisyunal na Parade of Stars bago magbukas sa Pasko ang walong entries. Komo ilan lang ang sikat na artista sa kalahok, may ispekulasyon na baka dedma lang ang mga tao sa ruta ng parade, huh!

Pero heto’t may isa na namang change. Hindi na sa January 8 ang Gabi ng ­Parangal na ­unang inanunsyo ng ­Executive ­Committee. A few days after the ­opening day ang ­bigayan ng awards.

Naku, wala pa ngang opening day, puro changes na ang ­nangyari. Gagawa-gawa sila ng rules pero sila rin ang bumabali, huh!

Changes na nga sa entries, changes pa more sa mga patakaran, huh!