Una sa Balita

I KNOW BETTER!: JASMINE, HOT NA HOT ANG ALINDOG SA SIARGAO!

By
0 27

Ninamnam nang husto ni Jasmine Curtis-Smith ang ilang lugar sa Siargao na saksi ng hotness niya habang naka-2 piece swimsuit. Wala siyang keber na ilantad ang kanyang alindog!

Hindi rin siya nagpahuli sa pagdi-displey ng kanyang sexy bod sa iba’t ibang lugar doon.

Making the most of my tambayngka time. 📷: @tracyayson #JCSTrips

A post shared by Jasmine (@jascurtissmith) on

Ang alam namin, may ginagawang mo­vie si Jas sa Siargao kasama sina Erich Gonzales at Jericho Rosales mula sa direkyon si Paul Soriano.

DANIEL, TODO-DISPLAY NG BUKOL!

Jennylyn at Daniel
Jennylyn at Daniel

Hot na hot ang suot nina Jennlyn Mercado at Daniel Matsunaga nang rumampang magkasama sa isang event last Friday ng Avon. Kung sanay na ang tao na makita si Jen na seksing-seksi ang suot, nanibago sila kay Daniel na nagdispley ng bukol sa suot niyang naka-printed na brief, huh!

Wala na ngang keber ang ex-boyfriend ni E­rich Gonzales na muling pagpantasyahan ng babae at bading. Kahit may edad na rin si Daniel eh, yummy at delicious pa rin ang dating niya, huh!

After all, ganoon din naman ang drama ngayon ni Erich na ibinabalandra na ang katawan sa latest photo shoots niya, huh!

Mulawin vs. Ravena na!

Simula na ngayong gabi ang labanan sa himpapawid sa biggest telefantasya this year na Mulawin vs. Ravena.

Masisilayan muna ang lovers na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana na merong anak. Makikilala ang iba’t ibang characters na masisila­yan sa programa.

Hanep ang pagkakagawa ng animation at ka­hanga-hanga ang paglipad ng mga Mulawin at Ra­vena. Sa totoo lang, puwede nang sumabay ang Pinoy sa ilang fantasy series o movies dahil sa pabulosong special effects na hatid ng MVR, huh!