Una sa Balita

I KNOW BETTER!: Janella tuloy ang trabaho kahit inaapoy ng lagnat

By
Janella Salvador
0 9

Inaapoy ng lagnat si Janella Salvador nang pumunta siya para sa isang mall show ng R­egal movie na Mano Po 7 Chinoy. May kuha nga siya ng picture ng kanyang road manager (RM) na si Beth de los Reyes na may talukbong sa bandang balikat.

Eh nu’ng araw na ‘yon, lagare sa commitments si Janella. Sa event na ‘yon natuklasan ng road manager niya kung paano nag-swak kay Janella ang kasabihan sa showbiz na, ‘The show must go on!’ anuman ang mangyari.

Sa post ni Beth sa kanyang Face Book, rebelasyon sa kanya ang pagiging pro ni Janella sa loob ng apat na taong pagiging RM niya sa teen actress. Bago lumabas sa stage, nakaramdam na si J­anella na masusuka. Sa halip na sumuka, pinigilan ni J­anella ang nararamdaman at nag-show pa rin! Bumaba pa siya sa stage upang makita siya nang malapitan ng fans niya.

After ng show, lalong tumaas ang lagnat niya at nanginginig pa. So nakiusap na lang ang RM niya sa fans na wala nang picture taking.

Sa kotse, binigyan si Janella ng paracetamol upang panandaliang mawala ang sama ng pakiramdam. May isa pa kasi siyang Christmas party na pupuntahan. Kahit nanginginig, dumalo pa rin ang teen actress sa party and hi and h­ello ang ginawa niya.

Umuwi ng bahay si Janella after ng dalawang event pero bago matulog, ginawa pa rin niya ang dalawang video message, nag-selfie at nakangiti sa kamera. Sumaludo ang RM niya sa dedikasyong ipinamalas ng talent kahit ina­apoy ng lagnat!

Anyway, natutuwa naman kasi si Janella dahil sa magandang feedback sa MP7. Gandang-ganda ang nakapanood sa story at pagkaka­gawa ng movie. Pinuri rin siya sa pakikipagsabayan niya ng acting kay Jean Garcia.

Kahit sinabing hindi maganda ang playdate na nakuha ng MP7 dahil before Christmas ‘yon, rumatsada ito sa box offfice. Mula sa opening day grosss na P4M, umarangkada na sa takilya ang movie kaya kahit nasa Japan ang mag-inang Lily at Roselle Monteverde, kuntentung-kuntento sila sa kinita sa takilya ng MP7.

Kapuso arangkada sa nationwide ratings!

Pinalawak na ng GMA Network ang lamang nila sa nationwide ratings laban sa ABS-CBN mula sa service provider na Nielsen TV Audience Measurement. Mula umaga hanggang gabi, patuloy na namamayagpag ang Kapuso Network sa Kapamilya Network.

Mula December 1 to December 13, 38.2% ang household audience share ng GMA sa NUTAM (National Urban Television Audience Measurement), mas mataas sa 34.4 % ng ABS-CBN.

Walong programa rin ng Channel 7 ang nasa Top 10 highest rating show sa National Urban Philippines. Nangunguna sa primetime ang Encantadia habang ang 24 Oras ang number one sa news program.

Ang ilan pang Kapuso shows na ratsada sa mataas na ratings ay ang Pepito Manaloto, Alyas Robin Hood, Ismol Family, Kapuso Mo, Jessica Soho, 23 Oras Weekend, Hay Bahay, Tsuperhero, Imbestigador, Wowowin, Eat Bulaga, Sunday Pinasaya at Someone To watch Over Me.

Kaya naman all-smiles ng executives ng GMA Network sa pagi­ging number one ng Kapuso Network sa buong bansa!