Una sa Balita

I KNOW BETTER!: IVAN DORSCHNER, LOVE NA LOVE NA SI BARBIE!

By
0 64

Itinanggi ni Ivan Dorschner na nagkaroon sila ng relasyon ni Ana Perez de Tagle, apo ng veteran singer na si Sylvia la Torre.

“We’re very close,” tugon ni Ivan nang bisi­tahin ng press sa taping ng GMA’s Meant To Be.

“It’s hard to say on one person’s point of view,” dagdag niya sa tsismis na nagkaroon sila ng relasyon.

“Just very, very good friends. The ­family is so nice. I miss them saka si Miss Sylvia. She’s great,” ani pa ng isa sa leading men ni Barbie Forteza.

Ibinalita ni Ivan na nandito sa bansa si Ana last December para sa isang interview sa CNN Philippines.

“Kasi may gagawin daw siyang bagong movie na musical. Yes, nagkita kami,” saad pa ni Ivan.
Pareho raw silang masaya sa nangyayari sa career ng isa’t isa.

“Parehas po kaming nahihirapan sa career namin. Hollywood kasi is decently competitive.

‘Yun ang pinakamahirap sa trabaho namin bilang aktor or ­performer sa Hollywood. It’s very, very difficult.

“So ngayon, she’s experiencing success as mine. We’re both happy,” sey niya.

Sa kanila ni Barbie ngayon naka-focus ang MTB.

“Siyempre iba ‘yon. Malaking chance na makatuluyan kami. Ngayon lang umaangat si Andoy (Jak Roberto) kay Barbie. Si Arra San Agustin ang girlfriend ko sa show. She’s a pleasure to work though,” sabi ni Ivan.

Ano ang gusto niya kay Barbie?

“She is never sad! Never! Minsan nga we joke with her to stress her out. Hindi nangyayari.

‘Yun nga sinabi isang beses. She takes the lead. Siya ang pinaka-lead actress namin. Siya ang kuwento. She is taking the steps forward na gagawin namin for example,” tugon niya at nagpaalam muna para kunan ang isang eksena.

Pagbalik ni Ivan, binato namin ang tinanong namin kay Addy Raj kung virgin pa siya sa babae. Natawa muna siya at nag-isip bago sumagot.

“Sasabihin ko lang po, I am very well respected by my parents!” sagot ni Ivan.

“I’m responsive in my own way,” dugtong niya.

“I think my mom would like to know the answer to that question. Pero I think dapat sasabihin ko muna ‘yung answer ko sa kanya bago sa iba,” pahayag pa ni Ivan.

Ano ang ginawa niya upang mahasa ang Tagalog niya?

“Actually, mahal ko kasi… Sa pagi­ging Filipino ko, napa-proud ako sa mga custom natin. Sa pinakalengguwahe natin. So ginagamit po namin sa bahay.

“Pero nu’ng bumalik ako sa Los ­Angeles nu’ng 2012, doon ko ­nagagamit,” rason ni Ivan.

Wala ba siyang regrets sa pagbabalik niya sa bansa at sa showbiz?

“No. Mahirap mabuhay ng may regrets. ­­Di ba? Kahit sino, kahit papaano. You need to love what you do and love what you came from and love what you’re going,” katwiran ng Fil-Am actor.

Wala ba siyang naiwang babae sa abroad na umiiyak ngayon?

“No! Nope!” bulalas ni Ivan.

Kelan siya huling nagkaroon ng girlfriend?

“A year ago!” sagot niya.

How well do you love Barbie?

“Very well! Very well!” deklara niya.

CHINOY, BALIK-SINEHAN!

Tuwang-tuwa ang Fil-Chinese community sa pagbabalik sa cinemas ng biggest family drama ng 2016, ang Mano Po 7 Chinoy, sa February 8.

Ang pelikulang Moonlight Over Baler lang ang local film na showing sa nasabing petsa. Eh, maraming nag-request na ibalik uli sa sinehan ang MP7 bilang bahagi na rin ng selebrasyon ng Chinese New Year at pre-Valentine treat na rin ng Regal Entertainment sa manonood.

So bilang tugon sa hiling ng publiko, ibinalik ng mag-inang Lily at Roselle ­Monteverde ang star-studded ­fa­mily ­drama na ­pinagbibidahan nina ­Richard Yap, Jean Garcia, Jake Cuenca, ­Enchong Dee, Jessy Mendiola, Marlo ­Mortel at Janella ­Salvador.