Una sa Balita

I KNOW BETTER!: “I’m not here to fight the government!” — Cong. Vilma Santos Jessy, hindi ‘pa-star’ sa piling ni Luis

By
0 13

Nawalan man ng pinamumunuang committee (Civil Service at Professional Regulations Committee) sa Kongreso dahil sa pagboto ni Congresswoman Vilma Santos-Recto laban sa death penalty at hindi pabor na bigyan ng P1,000 na budget ang Commission on Human Rights kahit absent sa budget hearing, sumusuporta pa rin siya gobyerno.

“I’m still part of the super majority. It’s just that may mga issues lang po na natatapat sa paniniwala mo. In fact, I voted for Martial Law sa Mindanao. ‘Yun lang. Para bang, ‘Teka, hindi ko ito puwedeng i-compromise.’

“Pero ‘yung other things na alam mong mapapakinabangan, it’s fine with me. I’m not here to fight the government. Get me?” pahayag ni Cong. Vilma nang makausap namin.

Kahit ilang dekada na si Cong. Vi sa mundo ng pulitika, walang kagatul-gatol na sinabi niyang, “I miss showbiz!”

Kuwento ni Ate Vi, “Kapag nanonood ako ng teleserye, siyempre artista ako, sabi ko pag nakikita ko sila, ‘Ako ‘yan! Puwede kong gawin ‘yan!’ Sabi ko, “Kaya ko ‘yan eh.’

“Tapos, pag may nagsasayaw, ‘Ay ganyan ako sa Vilma!’ Kaya ko pa ring magsayaw sa totoo lang. Nagsu-zumba ako, ‘no? Kahit sabihin mong junior citizen, yayain mo ako, sasayaw pa rin ako! Kaya ko, huh!

“Nandoon pa rin ‘yung inggit factor! Ha! Ha! Ha! Nandoon pa rin ‘yung inggit factor. Nami-miss ko!” diin ni Ate Vi.
Gusto nga niya na ‘pag gumawa siya ng project, ‘yung meron siyang mai-offer na bago.

“Kung dati 24/7 ang work as Chief Executive ng Batangas, dito sa Kongreso, may mga recess! Ha! Ha! Ha! Bi-busy ka lang pag budget (hearing). Pero pag walang session, Monday to Wednesday lang and I go to my constituents sa Lipa, Thursday to Sundays. Lahat ginagawa ko roon,” saad ng kongresista.

Buhos man ang maraming oras sa Kongreso, nananatili pa ring numero uno kay Cong. Vilma ang kanyang pamilya. Every other weekend ay meron silang dinner kasama ang anak na si Luis (Manzano).

“My first priority is my family. Alam ng Batangas ‘yan maski mayor pa ako. Kahit dito. Kahit sabihin mong importante, may sakit ang anak ko, kailangan ako ng anak ko o pamilya ko, I will stay with them!

“Sabi nga nila, puwede mo na namang iwan ang anak mo. Ilang taon na si Lucky. Lucky is 36, si Ryan ko ngayon, 21, fourth year college. Siyempre, hindi ninyo alam ang totoo.

“Importante sa akin, every other Sunday, nagdi-dinner kaming pamilya, with Lucky, dala niya minsan si Jessy o kung sino man ang girlfriend. Ha! Ha! Ha! Off the record ‘yon,” biro ni Ate Vi.

“Hindi naman ako ang makikisama! Ha! Ha! Ha! The mere fact na dinadala ng anak ko, that’s respect. I want you to meet my family and that’s respect. So dinadala niya.

“Kasi that’s the only time na we talk of everything. ‘O, ano ang show mo, anak? Anong nangyayari? O, anak, tinitira ka ng bashers. O, anak, ganyan.’ That’s the time na we talk,” rason niya.

Hindi ba siya nalilito na iba-iba ang hinaharap sa kanya ni Luis?

“Hindi naman. Oy huwag naman. One woman man ‘yon! Hindi totoo ‘yan. Believe me!” depensa ni Ate Vi kay Luis.

Gustung-gusto niya raw si Jessy?

“Hindi naman. She’s very nice. Hindi sa ganoon. Kung magugustuhan ng anak ko, then, why not? But she’s very nice,” diin ng ina ni Luis.

Ganyan din daw ang sinabi mo kina Angel (Locsin) at Jennylyn (Mercado) noon?
“Yeah, that’s true!” tugon niya.

Sino favorite niya sa tatlo?

“Walang favorite. One thing lang I’ve noticed with Jessy, kasi puro artista rin ang nagiging girlfriend ng anak ko eh. But one thing I’ve noticed with Jessy, ‘yun ‘yung sinabi ko lang na, hindi ko lang kinikitaan na kinukumpetisyon si Lucky.

“Hindi ako star! I’m the girlfriend! Hindi ‘yung… Kahit naman ako, imbitahin mo, meron pa akong arteng Vilma, artista ako.

“Pag may dinner kami, wala eh. Hindi nakikipag-compete eh. She’s… ‘I’m just the girlfriend.’ Sinasabi ko, ‘Tumataba ‘yan. ‘ Wala ‘yung, ‘Hay…”

“I think that’s one word na puwede ko lang sabihin. Hindi ginagawang competition si Lucky! That’s my opinion!” deklara ni Congresswoman Vilma.