Una sa Balita

I KNOW BETTER!: CRISTINE, AYAW NANG MAGHUBAD!

By
0 2
Ali, Amarah at Cristine
Ali, Amarah at Cristine

Tuluyan na ngang pinasok ni Ali Khatibi, asawa ni Cristine Reyes, ang showbiz. Biggest break niya ang Viva movie na Double Barrell: Sige! Iputok Mo! dahil ka-partner niya si Jeric Raval sa pagsuway at pag-ubos ng pushers sa Toto Natividad movie.

“It was fun! I feel blessed I’ve got to work with Direk Toto. I feel lucky kasi si Direk Toto, sobrang gentle na director. He was willing to teach the art of acting and guide me all throughout!” say ni Ali.

Nagamit ni Ali ang kaalaman niya sa mixed martial arts sa pelikula pati na ang paghawak ng baril. Siyempre, pinayuhan din siya ng asawa ngayong suma­bak na siya sa pag-arte.

“Okey naman siya sa suporta. If you wanna go that path, go for it.

“Sabi niya, mai-scrutinize ka ng ibang tao. Wala ka nang privacy. May masabi ka na tama o mali, may masasabi sila. Magiging public property ka,” saad pa niya.

Looking forward din si Ali na makasama sa movie si Cristine.

“Of course, gusto ko rin siyang makasama. I’ve learned from her. Go kaming dalawa basta may chance,” tugon ni Ali.

Eh puwede siyang sumabak sa love at sexy scenes?

“Oo naman. Cristine knows the industry. It’s part of the job. Dati hindi ko ‘yon ma-understand eh now that may glimpse ako sa industry, part of the job eh. Dito, wala akong love scene. Dati may ginawa ako sa Viva with Phoebe (Walker) din,” rason ni Ali.

Pagdating naman sa sexy scenes ng asawa, hindi siya nakikialam.

“Si Cristine lang ang may ayaw ng super sexy scenes. Gusto naman niyang gumawa ng film na proud ‘yung family niya at ako rin. Alam na niya ‘yung limits niya,” sey pa niya.

Kumusta naman si Cristine bilang asawa?

“I feel blessed. Mabuting asawa si Cristine. Maalaga sa anak namin and she makes time for us,” pagmamalaki ni Ali sa asawa.

Sa Double Barrel,  isinilang na ang newest action star na si AJ Muhlach na hinulma ang katawan para umakma ang character sa movie.

Wency, Paco, Cooky, sanib-puwersa sa 90s Live!

90s Live
90s Live

Sanib-puwersa na ang mga sikat na musikero nu’ng dekada 90 sa natatanging concert na The 90s Live! na mapapanood sa July 22 sa Solaire Resort & Casino.

Sa presscon na ginawa sa Kuya’s at QC, present ang mapapanood na music icons ng dekada na sina Wency Cornejo ng After Image, Cooky Chua ng Color It Red, Lei Bautista ng Prettier Than Pink at Medwin Marfil ng True Faith.

Si Wency ay solo artist na mula nang mabuwag ang After Image.

“Eight years ago sinubukan naming buuin ang grupo with new members. Pero before the release of out album, nagkagulo na kami,” pahayag ni Wency.

Sa panig naman ng True Faith, ayon kay Medwin, tuloy pa rin ang sinimulan nilang grupo.

Makakasama nila sa concert sina Paco Ares­pacochaga ng Introvoys, Dong Abay ng Yano, Naldy Padilla ng Orient Pearl, Perf de Castro ng River Maya at Jett Pangan ng The Dawn. Mula ito sa produksyon ng Solaire sa pamamahala ng entertainment director na si Audie Ge­mora.