Una sa Balita

I KNOW BETTER!: ‘BOOBS’ ni Regine, muntik maging ‘pulutan’ sa taping!

By
0 410
Regine Velasquez
Regine Velasquez

Nataranta ang staff ng Superstar Duets sa isang damit na sinuot ni Regine Velasquez-Alcasid sa taping ng Superstar Duets last Tuesday. Si Songbird muna ang humalili kay Jennylyn Mercado habang nasa bakasyon sa Amsterdam upang maibsan ang pagdadalamhati sa pagkawala ng kanyang Mommy Lydia.

Bukas kasi sa bandang dibdib ang suot ni Reg. Natakot ang staff na baka humalagpos ito’t biglang lumuwa ang kanyang boobs! Pag nangyari ‘yon, fiesta ang mga fans sa paligid, at for sure, magiging pulutan sa tsikahan ito sa taping.

Pero, siniguro naman ng kapatid ni Songbird na hindi kakawala ang dibdib nito kahit gumalaw-galaw siya sa stage.

Eh sinabi na noon ni Regine na hindi siya talaga nagsusuot ng bra. Pero maingat naman siya sa pagsusuot ng damit na kita ang kalahati ng boobs kaya walang wardrobe na malfunction na nangyayari.

‘Yun nga lang, napansin ng stylist ni Reg na may sira sa bandang ibaba ang suot niyang damit. Kaya wala siyang choice kung ‘di magpalit.

Nang bumalik sa taping, sabi ni Regine, “Hayan, close neck na ang suot ko, huh! Hindi na kayo kakabahan!”

Siyempre, hindi na namin sasabihin kung ano ang kaganapan sa taping na ‘yon. Basta nu’ng gabing ‘yon, Regine Night ang drama kung saan hit songs ni Songbird ang binigyan ng kakaibang bersyon ng mga celebrity contestant, huh!

Chinoy MP7, may sariling parada!

Pinutakti si Mother Lily ng requests mula sa fans na magsagawa ng sariling parade of stars para makita nila nang personal ang cast ng Chinoy, Mano Po 7. Hindi na nga kasali ang movie sa 2016 MMFF kaya wala na silang pag-asa na makita nang personal at malapitan ang artista ng movie.

Crowd drawer naman ang cast ng MP7 na pinangungunahan nina Richard Yap, Jean Garcia, Enchong Dee, Jake Cuenca, Jessy Mendiola, Janella Salvador, Marlo Mortel, Kean Cipriano at Eric Quizon.

Solved naman sa request ang mag-inang Lily at Roselle. Ayaw naman nilang biguin ang mga fans sa request bilang dagdag na early Christmas nila.

Basta kasi sa Pinoy moviegoers, handang gawin ng Regal ang kanilang hiling dahil bahagi sila ng tagumpay ng film company na ang tanging hangad ay makapagbigay ng quality entertainment sa kanilang pelikula.

B-day ni Zia, hindi pabulosa!

Usually quiet nga ang first birthday kahapon ng most-loved and photographer celebrity baby nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, si Baby Zia.

Unlike other showbiz parents na nagwawaldas ng pera para sa selebrasyon ng unang kaarawan ng anak, mas pinili ng mag-asawa na maging simple muna ang birthday ng anak.

Sinabi ni Yan Yan noon sa interview na bata pa si Zia kaya hindi pa niya gaanong ma-aappreciate ang isang bonggang selebrasyon. Hindi naman nila pinagkakaitan ng pabulosang selebrasyon ang anak.

Gusto lang nina Dong at Yan na ma-appreciate na ni Zia ang gagawin nila at mangyayari sa kanyang birthday once i-celebrate nila ito bilang isang malaking event!