Una sa Balita

I KNOW BETTER!: Binondo nabulabog sa cast ng Mano Po 7

By
MANOPO7 cast
0 2

Hindi magkama­yaw ang shoppers ng Lucky Chinatown Mall at residente ng Binondo nu’ng Linggo nang masilayan in person sina Richard Yap, Jean Garcia, Jake Cuenca, Enchong Dee at Marlo Mortel bilang bahagi ng promotions ng Regal movie na Mano Po 7 Chinoy.

Naglabasan talaga sa mall ang gustong maka­kita sa cast at ‘yung mga nasa loob ng mga bahay at naglalakad eh nagsuguran nang malapit sa karosa at nagpista sa kaguwapuhan ng male stars at ‘yung lalaki naman ay gandang-ganda kay Jean!

Siyempre, lumikha ng traffic habang nilalakbay ng float ang papuntang Binondo Plaza. Eh, may hagad namang nagdi-direct sa trapik at ‘yung mga security ay may hawak na taling bumabakod sa karosa kaya naging smooth ang lakad nito.

Present din ang mag-inang Lily at Roselle Monteverde. Nakitambol pa nga si Mother sa members ng nagsagawa ng lion at dragon dance with matching ­sa­yaw-sayaw sa itaas ng trak!

After the parade, nagdagdag kasiyahan ang cast sa mall show na ginawa sa Chinatown walk ng mall. Grabe ang hiyawan nang sumalang si Marlo. Lalong lumakas nang umapir sa stage si Jake Cuenca.

Luwa naman ang mata ng kalalakihan nang lumabas si Jessy Mendiola na naipit sa traffic kaya  hindi nakaabot sa parade. Pandemonium naman nang si Enchong na ang gumiling-giling sa stage!

At siyempre pa, guwapung-guwapo ang lahat kay Richard na parang hindi pinapawisan kaya fresh na fresh pa rin, huh! Kasama niyang nag-imbita sa mga tao ang ‘asawa’ niyang si Jean na may nabuong loveteam dahil sa MP 7, huh!

Mula sa Lucky Chinatown Mall, dumiretso pa ang walang kapagurang cast ng family drama na mapapanood na sa Miyerkules, Disyembre 14.

Ronnie Alonte
Ronnie Alonte

Ronnie Alonte todo tanggi sa sex video

Aamin ang young actor na si Ronnie Alonte kung may lumabas na sex scandal na sangkot siya. Eh nang may kumalat na sex video at siya ang tinurong involved, napanood niya ito at aminado siyang kamukhang-kamukha niya ang lalaki.

“Hindi talaga ako ‘yun! Natawa na lang kami pati mommy ko na sinabing huwag na lang pansinin. Kaya kung meron ako, aamin ako at sasabihin ako po ‘yon. Pero wala talaga!” diin ni Ronnie sa pocket presscon ng festival movie ng Reality Entertainment, ang Seklusyon, kung saan isa siya sa main cast.

Magkahawig man sila sa mata at kilay ng lala­king nasa video, iba nga lang ang hugis ng mukha nito at mahaba ang baba.

“Malaki rin ang ilong niya. Aaminin ko talaga, kaliwa (ng kamay) ang ginagamit ng lalaki roon, kanan po talaga ako. Saka dito sa katawan marami po akong taling dito tapos may balat ako sa pusod na mahaba. Balat talaga simula pagkabata,” katwiran ni Ronnie.

Of course, more than na tsismis sa sex video­ ni Ronnie, kaabang-abang ang horror movie na Seklusyon dahil ito lang ang horror film sa festival.

Heto nga’t hindi pa naipalalabas ang pelikula, isinali na ito sa International Film Festival & Awards sa Macau last weekend kung saan nakamit nina Dondon Monteverde (producer) at direk Erik ang The Crouching Tiger Award sa nasabing mo­viefest, huh!