Una sa Balita

I KNOW BETTER!: BAKLITANG KEN CHAN, BURADO NA!

By
0 139

Burado na sa publiko ang character ni Ken Chan bilang Destiny Rose, ang biggest break niya ­bilang aktor. Tumatatak na kasi ang role niya ­bilang Chinoy na si Yuan sa kinabibilangang GMA primetime series na Meant To Be.

“Nabura na! Dahil lagi kong nakikita sa social media na hindi na raw nila nakikita si Destiny Rose. Malaki na raw ang pinagbago ko as Ken Chan. Kasi ibang-iba talaga eh. Nakakatuwa.

Ako at ang management, ‘yun ang goal namin. Burahin si Destiny Rose.

“Naging effective ‘yung plan namin. Planado kasi ito eh. Mahirap din,” pahayag ni Ken nang bisitahin ng press sa taping.

Nakakatanggap din siya ng komento na ginagaya si Dao Ming Si ng Meteor Garden. Eh nagkataong fan din pala siya ng series.

“Totoo po! Nami-miss nila at nakikita nila sa akin si Dao Ming Si. Natutuwa ako dahil naging fan ako ng Meteor Garden. Hindi naman namin talagang ginagaya,” rason ng Kapuso leading man.

Wala na raw siyang girlfriend ngayon. Huli siyang nagkaroon ng karelasyon nu’ng gingawa ang Destiny Rose.

“Lahat kami, wala. Zero ang lovelife. Lahat kasi wala nang time. Kunwari nga, magdi-gym kami dapat pero itutulog na lang namin ‘yung oras na ‘yon sa gym dahil sunud-sunod ang schedules namin.

“Eh ‘pag nagka-lovelife pa, kawawa naman ang magiging girlfriend namin. Wala nang oras,” diin ni Ken.

MOTHER LILY, CONCERT PRODU NA RIN!

Career kung career ang pagiging concert producer ni Mother Lily. Alam kasi niyang kapag Valentine’s Day, lumalabas ang mga tao upang iseleb­reyt ang araw ng mga Puso.

Isang perfect dinner concert venue kasi ang kanyang 38 Valencia Events Place kaya nagsagawa siya ng dinner concert sa February 14, ang Generations of Love.

Tampok sa concert ang magaling na pianist na si Raul Sunico, Dr. George Yang at child wonder na si Krystal Brimmer, ang lumabas na local adaptation ng musical na Annie.

Take note na bukod sa pagiging concert producer, may special parti­cipation din sa concert si Mother Lily pati na ang kaibigan niyang si Senador Dick Gordon. May beneficiary na paglalaanan si Mother sa proceeds ng concert.

Halos sold-out na ang tickets sa Generations of Love kaya this early, nag-iisip na siya kung sino ang kukuning artists para sa gagawin niyang Mother’s Day concert naman.

ALDEN-MAINE NGAYONG FEB., MALABO!

Chill, AlDub Nation! Malabo na ngang maihabol next week ang premiere ng first primetime series nina Alden Richards at Maine Mendoza na Destined To Be Yours.

Papalitan ng DTBY ang Alyas Robin Hood ni Dingdong Dantes. Pero after 3-weeks pa ‘yon, huh!

Pawang weekly at afternoon shows pa lang ang pina-plug na bagong shows ng Kapuso Network. Nariyan ang weekly show ni Dong na Case Solved at ang Full House Tonight ni Regine Velasquez. Sa afternoon prime, ang Legally Blind ni Janine Gutierrez ang ikinakasa na nga­yong buwan.

Pero ang AlDub series, wala pang definite premiere ang naka-plug, huh! Kaya ‘wag maging bayolente ang reaksyon, huh! Mas mabuting a­yusin muna ang lahat kesa maging ora-orada!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy