Una sa Balita

I KNOW BETTER: Assunta, hasang-hasa na sa pagiging nanay!

By
0 20

Natuwa si Assunta de Rossi sa bagong sigla ng movie career ng kapatid na si Alessandra  de Rossi dahil sa tagumpay sa takilya ng pelikulang Kita Kita.

“It’s about time!” bulalas ni Assunta nang makausap ng press sa taping ng Impostora.

“Nu’ng una kong napanood ang movie last May, nagandahan na ako eh.  Nakakaiyak, nakakatawa,” dagdag niya.

Maging siya ay hindi nag-e-expect na titiba ang movie. “Happy surprise naman ang nangyari,” saad ng aktres.

Kung nagsama na sila ni Alex sa dalawang movies, pumasok ba sa isipan nilang magsama naman sa TV?

“Walang offer eh. Nagkakataon lang na hindi kami nagsasabay. Baka wala sigurong materyal na bagay sa aming dalawa,” rason ni Assunta.

“Ahh, may gagawin kaming project together na si Alex ang sumulat. Nagtulung-tulong kami. Pi­nitch niya ito sa Viva. In-approve naman. It’s like a mini-series pero pang-internet. Diary of a 30 something.

“Kasi parang pet project namin ito. Puro kaibi­gan namin ang kasama. Ana Capri, Carla Humphries, Karen delos Reyes. Nag-usap-usap lang kami. Nagtulung-tulong sa character development.

“Yung kuwento is either hango sa personal na­ming buhay o sa iba. Medyo…Oh my God! Pero nakakatawa siya,” bulalas ng aktres.

Bukod sa Impostora, gumagawa rin si Assunta ng mini-series na Let The Sunshine In kasama si Janine Gutierrez. 

Pero nandoon pa rin ang paggawa nila ng paraan ng asawang si Jules Ledesma para magkaroon ng anak.

Sa ngayon, maayos naman ang pagiging mommy niya sa mga anak ni Jules sa unang asawa kaya pag nagkaroon sila ng anak ng dating kongresista ay hasang-hasa na siya sa pagiging ina, huh!

Jerico Estregan, ayaw muna sa pulitika!

Lumipat na ng management si Jerico Estregan. Mula sa pagiging talent ni Arnold Vegafria, nasa bakuran na siya ng Viva dahil lahat ng movies na ginawa ng amang si ER Ejercito ay sa Viva Films.

Humarap si Jerico sa press kaugnay ng ipalalabas niyang action horror na Amalanhig: The Vampire Chronicle.

First lead role niya ito matapos lumabas sa ilang movies ng ama. Una muna niya itong tinapos kesa sa nasimulan niyang Alyas Ben Tumbling.

Sinubukang pasukin ni Jericho ang pulitika last 2016 elections. Pero umatras siya.

“I withdrew my name pero hindi inalis sa balota. That’s crazy,” bulalas niya sa interview.

Magpapatuloy pa ba siya gaya ng ama na tatakbo muling gobernador ng Laguna sa 2019?

“As of now, I have no plans. Showbiz and business are okay. They’re good foundation for the things I want to do in the future. Kasi this is I wanted to do. No plans.

Nai-enjoy ba niya ‘yung mga eksena niya sa showbiz ngayon?

“I find it normal already. I find it as a norm because it runs in the family. It has always been a responsibility through the years, the fame, the name. It’s always been a responsibility,” saad ni Jericho.

Sa Amalanhig, si Sanya Lopez ang kanyang kapareha at si Francis “Jun” Posadas ang director.