I KNOW BETTER!: ASHLEY RIVERA, HOT NA HOT ANG PAGGILING SA DESPACITO!

By

Hot na hot ang pagsayaw ng Kapuso artist na si Ashley Rivera ng kantang Despacito. 

Sa vi­deo niyang pinost sa kanyang Instagram @itsashleyrivera, naka-swimsuit siya’t todo ang indak at kembot na parang nang-aakit, huh!

Despacito 💃🏼 Thank you @cocoblissmanila for my swimsuit! 🔥

A post shared by Ashley Rivera (@itsashleyrivera) on

Sa halip na kantahin, isinayaw ni Ashley ang hit song na talagang namang nakakapag-init!

Kaya naman humanga sa kanya ang kapwa Kapuso artist na sina Janine Gutierrez at Rodjun Cruz.

“Hot mo girl!!!!!” komento ni Janine. “Iba talaga si DJ Ashley,” sey naman ni Rodjun Cruz.

Pagdating naman sa pagkanta, ang cover version ng kanta na ginawa ni Julie Anne San Jose ay humamig ng milyones na likes dahil sa bongga niyang version nito.

Alfred-Yasmine kasal, bigatin!

Bigating pangalan sa showbiz at pulitika ang tata­yong principal sponsors sa kasal nina Congressman Alfred Vargas at Yasmine Espiritu sa July 23.

Ilan sa ninong ay sina Manuel Roxas II, Congressman Feliciano Belmonte, Jr. at Manuel V. Pangilinan.

Kabilang naman sa mga ninang sina VP Leni Robredo, Congresswoman Vilma Santos-Recto, Lilybeth Rasonable ng GMA Network, Manay Lolit Solis at Kris Aquino.


Magsisilbing flower girls nina Alfred at Yasmine ang dalawa nilang anak, sina Alexandra at Aryana.

Kasal na sa sibil sina Alfred at Yasmine nu’ng Agosto 2010 pero tinupad ng kongresista ang pangako sa asawa na pakakasalan ang asawa sa simbahan kahit ilang beses pa. Ang kanilang pre-nup photos ay kinunan sa Italy.

Mahalaga ang petsang July 23 dahil ito rin ang date na nag-propose siya ng kasal last year.

Work ethics ni Kiko, bet na bet ni Direk!

Todo-puri si Direk Dominic Zapata kina Dennis Trillo at Kiko Estrada na artista niya sa Mulawin vs. Ravena. Gumaganap si Dennis bilang si Haring Gabriel sa GMA telefantasya.

“Dennis is impressive. I think a lot of his co-actors learn a lot from him. As a viewer there’s a wealth of talent in what he does. Puwede mo siyang ilagay kahit saan at gagalingan niya,” pahayag ni Direk Dom.

“Si Kiko, I like his work ethics. I like that he tries to better himself everyday, and I could say the same thing for all my actors.

It has become a culture in their group not only when it comes to acting, pati sa pangangatawan nila. Obvious naman kay Derrick, or sa kanilang moves.”

SHARE