Una sa Balita

I KNOW BETTER!: ANAK NINA ROBIN-MARIEL, SA NETHERLANDS NAG-B-DAY PARTY!

By
0 10

Sosyal ang venue ng 7th month birthday ng anak nina Ro­bin Padilla at Mariel Rodriguez, na si Isabella. Sa isang beach sa Netherlands ‘yon isinelebreyt ng pamilya.

Sa isang video na ibi­nahagi ni Robin Padilla sa Instagram, bumiyahe sila sa Castricum, Netherlands para magbakasyon. Pinasalamatan niya ang mga taong naging bahagi ng kanilang biyahe sa bansa.

Si Mariel naman, inihayag na nakalimutan niyang bilhan ng cake ang anak. Umiral ang pagiging creative ni Binoe dahil ‘yung baon nila sa beach ang pinagsama-sama niya na nagmukhang cake.

“Happy 7 months my love!!! We went to the beach for the first time and with all the stuff we bought mommy forgot to buy cake so dad put together all the stuff we had and made her her “cake” Isabella loved it,” caption ni Mariel sa picture ng anak na tuwang-tuwa sa cake niya.

Sa isang post naman ni Robin, binati naman niya ang anak niyang si Ali sa kanyang 11th birthday.  Best friend ang turing ng aktor sa nag-iisang anak na lalaki.

“Not because it’s online, it’s true!” — Luis

Pinadalhan ng link sa YouTube si Luis Manzano ng isang netizen na siya raw ang nagsabing niloloko ni Mikee Yambao si Alex Gonzaga.

Tweet ni Luis, “Who is Mikee Yambao?!?! Haaay, that’s why you shouldn’t believe everything you read/hear online. Not because it’s online, it’s true.”

Sinegundahan naman siya ng isang netizen na nagsabing karamihan sa showbiz reporters at bloggers ay kumukuha ng balita sa social media at pinu-post na parang totoo.

“So you can imagine the amount of articles/blind items/posts that have no truth nor accuracy behind it?” tweet uli ng host-actor.

Pagdating sa bashers, isa si Luis sa walang takot sumagot. Kaya naman kapag bina-bash siya, ini-screen grab niya ito at inilalantad sa socmed account niya.