Una sa Balita

I KNOW BETTER: Alfred naiyak nang mag ‘I do’ kay Yasmine

By
0 237

Umiiyak si Congressman Alfred Vargas habang sinasambit ang, “I do” kaharap ang asa­wang si Yasmine Espiritu sa kasal nila sa Manila Cathedral nu’ng Linggo. Natupad niya kasi ang pangako kay Yasmine na pakakasalan siya sa simbahan after nilang magkaroon ng civil wedding.

Larawan naman ng kaligayahan si Yasmine na sobrang ganda habang naglalakad patungo sa altar. Sobrang cute din ang mga anak nilang sina Alexandra at Aryana na nagsilbing flower girls ng mga magulang.

Mr. n Mrs. Alfred Vargas with Ninang VP Leni Robredo!

A post shared by Jun Nardo (@jnardo_55) on

Present ang principal sponsors except kay Congresswoman Vilma Santos-Recto. Nakaw-eksena naman ang ganda ng gown ni Kris Aquino na isa sa ninang. Nandoon din si QC Vice Mayor Herbert Bautista na tumayong cord sponsor kaya magkalayo sila ng upuan ni Kris.

Ang ilang bigwigs sa politics na sumaksi ay sina VP Leni Robredo, Congressman Sonny Belmonte, former senator Mar Roxas, QC Vice Mayor Joy Belmonte. Sa showibiz naman, sponsors din ang Seiko Boss na si Robbie Tan, manager ni Alfred na si Lolit Solis, GMA’s executive Lilybeth Rasonable.

Dumalo rin sa kasal sina Dingdong Dantes, Diana Zubiri at asawang si Andy Smith, Francine Prieto at ilang entertainment press.

July 23, 2010 rin ang date ng civil wedding nina Alfred at Yasmine.

Mula sa Manila Cathderal, dumiretso ang bagong kasal at bisita nila sa Manila Peninsula Hotel.

Best wishes, Alfred and Yasmine!

Boobsie nagamit ang ‘powers’ sa ospital

Ginamit ng komedyanteng si Boobsie ang pagiging “Baby Boobsie” niya nang isugod sa Philippine Heart Center ang kaibigang stand-up comedian na si Chubbylita. Tuwa sa kanya ang mga staff ng ospital kaya hindi na sila hi­ningan ng downpayment kahit natagalan bago ipasok sa emergency room ang kaibigan.

Kuwento ni Boobsie bago sumalang sa Sunday Pinasaya, “Nasa Klownz kami, tapos pumunta ng Zirkoh, tapos balik uli ng Klown. Gala ‘yon eh.

“Nakita siya ng asawa ko. Namumutla na. Tapos nagmamanas ‘yung ano. Nakapikit siya. Naglalaway na.

“Hindi ko po masabi ‘yung sakit kasi English eh. Ha! Ha! Ha! Hirap bigkasin! Ha! Ha! Ha!

“Na-confine na siya before kasi lumalaki ang puso niya. Siyempre puso ang nasa isip ko kaya dinala ko sa Heart Center. Hindi pala dapat. Lung Center dapat.

“Sabi niya, okay siya pero hindi siya okay. Naiyak na ako. Hindi kasi siya ‘yon. Wala kasi ang pamilya rito kaya wala siyang pam-financial kiyeme.”

Natuwa si Boobsie nang makilala siya. Kaya naman naman hindi na siya hiningan ng downpayment ng ospital.

Pinost ni Boobsie sa kanyang Facebook ang hitsura ni Chubbylita habang nasa ospital.

Nakita ‘yon ng komedyanteng si Donita Nose at ipinakita niya kay Willie Revillame. Sa pagkakalam ni Boobsi, nagbigay ng tulong na pera ang Wowowin host kay Chubbylita.

Bilang suporta sa kapwa stand-up comedian, nanawagan din ng tulong pinansyal o ispiritual ang ilan niyang kaibigan sa pinapasukang comedy bars.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More