Una sa Balita

I KNOW BETTER!: Alden, bumili ng ‘ Engagement Ring’ sa HK, para kay Maine?

By
0 803

Pasimpleng lumipad patungong Hong Kong si Alden Richards, matapos nilang magsama ni Maine Mendoza sa Gabay Guro 10th anniversary celebration last Sunday sa SM Mall of Asia Arena.

Eh, bihirang mag-post si Alden sa kanyang Instagram kaya naman palaisipan sa followers niya ang caption niyang, “Brush it off…” habang nag-iisa lang. Kapagod ngang basahin ang thread ng comments ng followers niya na umabot sa libo agad, huh!

May nagtatanong kung ano ang ginawa niya sa Hong Kong. Wala naman kasing nabalitang may show siya roon. ‘Yung hopia naman sa kanila ni Maine Mendoza, malamang na bumili siya ng singsing sa HK para sa engagement nila.

‘Yung mga malisyoso naman, meron daw ka-date sa HK ang Pambasang Bae. ‘Yung ilang trolls naman, talo raw kasi sa ratings ng docu-drama niyang Alaala tungkol sa Martial Law.

Eh, in fairness naman, magaganda ang ilang reviews na naglabasan sa performance ni Alden, huh!

Buti nga, tahimik lang si Alden habang nasa ibang lugar. Hindi siya nagwawalwal kagaya ng ilan nating artista, huh!

Ai Ai-Gerald love, overflowing

Overflowing ang pag-ibig sa prenuptial shoot nina Ai Ai delas Alas at Gerald Sibayan. Ninja moves ang paglipad nila sa Cebu para sa shoot na ‘yon.

Inilabas lang ni Ai Ai na nasa Cebu sila matapos kunan ang prenup sa kanyang IG courtesy of Nice Print Photo. Larawan ng kaligayahan ang soon to be bride and groom sa pasilip niya pati na ang lambingan nilang video.

Halos ready na ang lahat sa kasalang Sibayan-Delas Alas na gaganapin sa December 12. Tanging ang malalapit lang na kaibigan at entourage niya ang nakakaalam ng venue ng kasal at reception for security reasons.

Ngayon lang ikakasal sa simbahan si Ai Ai kaya naman sa araw na ‘yon, gusto niyang glowing ang ganda niya, huh! Bago ikasal, mapapanood muna ang Comedy Queen ngayong September 24 sa Bossing and Ai nila ni Vic Sotto at sa October naman ay ang pelikula niyang Bes and the Beshies kasama sina Zsa Zsa Padilla, Beauty Gonzales at Carmi Martin.

Trops, bye-bye na!

Sad ang feeling ng bumubuo ng morning show na Trops dahil magtatapos na ito ngayon.

Bida sa series ang Eat Bulaga discovery na EB Baes na sina Kim Last, Kenneth Medrano, Jon Timmons, Miggy, Tommy at Joel Palencia. Join din sa cast ang teen star na si Taki.

Bagong putahe naman ang handog ng TAPE, Inc. sa timeslot na ito, ang Chika Is Life nina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros. Ang pagkakaiba lang, lalabas sila bilang sina Lola Nidora, Lola Tidora at Lola Tinidora, ang characters na ginampanan nila sa EB Kalye Serye.

Abangers na lang tayo sa mga pasabog, paandar at pasiklab sa pagbabalik ng mga Lola, huh!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy