Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Knott yakang-yaka humabol sa Olympics

0 90

KUMPIYANSA ang Philippine Athletics Track and Field Association (Patafa) na makakatakbo si Fil-American trackster Kristina Marie Knott sa 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Tokyo, Japan na ni-reset lang dahil sa Covid-19 sa darating na July 23-August 8.

Sumikwat ng dalawang gold medal sa PH 2019 Southeast Games, malaki ang tsansa ni Knott dahil din sa mga naitalang Philippine records sa women’s 100-meter at 200-m dashes.

Naniniwala si Patafa president Philip Ella ‘Popoy’ Juico, na kaya ng 25-anyos na dalagang tubong US Virgin Islands, na maaabot ang qualifying standard para sa nalalapit na quadrennial sportsfest.

SM food to go Banner Ad

Hinirit Linggo ng opisyal, na puntirya ng kanyang player na ikahon ang qualifying mark na 22.8 segundo sa 200m para makasikwat ng Olympic berth at buntutan sa sports meet ang unang nag-qualify nang si Universiade at Asian pole vault champ Ernest John ‘EJ’ Obiena.

Tangan ni Knott ang mga PH record sa 100 at 200 sa 11.27at 23.01 seconds, ayon sa pagkakasunod.

Bukod kay Obiena, ang iba pang sokpa na sa Tokyo Olympics ay sina world gymnast (men’s floor exercise) champion Carlos Edriel ‘Caloy’ Yulo at boxers Eumir Felix Marcial at Irish Magno. (Elech Dawa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.