Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Knott walang sayang na oras

0 13

LUMARGA na para sa unang araw ng pre-Olympic training sa Nagasaki, Japan si Filipino-American sprinter Kristina Knott, Miyerkoles.

Dumating sa Tokyo nitong Martes ang 25-year-old sprinter at tumungong Nagasaki para sa kanyang huling yugto ng pageensayo bago tumakbo sa Tokyo Olympics.

Sa isang Facebook live na ibinahagi ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) nitong Miyerkoles, makikita ang pag-eensayo ng 2019 Southeast Asian games gold medalist sa TransCosmos Stadium sa Isahaya City, Nagasaki.

Nagbahagi rin si PATAFA marketing and communications head Edward Kho ng ilan sa mga larawan, kasama si Knott, sa kanilang training camp sa nasabing lugar.

Tatakbo si Knott sa women’s 200-meter dash event ng Summer Games sa Agosto 2. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.