Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Knott silver sa Sweden

0 43

SUMUNGKIT ng pilak na medalya sa 2021 Sollentuna Grand Prix, World Athletics continental tour bronze medal series sa Sollentuna, Sweden si Filipino-American sprinter at Tokyo Olympics hopeful Kristina Knott, Lunes (Manila time).

Pumangawala ang 25-year-old sprinter sa women’s 100-meter dash event makaraang makapagtala ng 11.54 segundo.

Upang makapasok sa Olympics, kinakailangan makapagtala ng 2019 Southeast Asian Games gold medalist ng Olympic qualifying standard na 11.15 segundo para sa 100-meter habang 22.80 seconds naman ang para sa 200-meter dash.

SM food to go Banner Ad

Samantala, parehas na torneo, tumapos naman sa ikalimang puwesto si 2016 Rio Olympian Eric Cray matapos makapagtala ng 51.05 segundo sa men’s 400m hurdles event.

Noong nakaraang linggo, bumagahe ng bronze medal si Cray sa NACAC New Life Invitational sa Miramar, Florida sa Amerika makaraang makapagtala ng 49.68 segundo sa men’s 400-meter hurdles event.

Kasalukuyang pasok na para sa Tokyo Olympics na sisimulan sa Hulyo sina national athletes pole vaulter EJ Obiena, gymnast Carlos Yulo, boxers Eumir Marcial, Irish Magno, Nesthy Petecio, Carlo Paalam, weightlifters Hidilyn Diaz at Elreen Ando, rower Cris Nievarez, taekwondo jin Kurt Barbosa at skateboarder Margielyn Didal. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.