Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Knott may COVID, swak sa Olympics

0 236

NABALOT ng kalungkutan ang dapat sanang masayang balita sa pagkakakuwalipika ng Filipina-American sprinter na si Kristina Marie Knott sa susunod na buwan na 2020 Tokyo Olympics matapos itong magpositibo sa Delta variant ng COVID-19 bago sumabak sa kompetisyon sa Karlsdat, Sweden.

Kinumpirma ni Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) president Philip Ella Juico at coach ni Knott na si Rohsaan Griffin ang pagkakahawa ng 25-anyos mula Saint Croix, U.S. Virgin Islands na kasalukuyang nasa isinailalim ng quarantine sa isang isang isolation facility sa pinuntahan na bansa.

“Kristina has COVID-19. She was tested positive of the virus,” sabi ni Juico, habang kasama nito si Griffin sa isinagawa ng asosasyon na pagbibigay ng update sa mga qualifying event ng mga sprinter na sina Knott at Eric Shauwn Cray.

Ipinaliwanag ni Griffin na kapwa sila kumpletong nabakunahan na ni Knott ng Pfizer vaccine kung kaya ikinagulat nila ang pag-iimbita sa 2019 SEA Games 200m at 4x100m mixed relay team gold medalist ng mga medical frontliner upang ipaalam sa kanila ang naging resulta sa swab test.

Kapwa naman nagnegatibo sina Griffin at Cray na kasama ni Knott sa halos lahat ng oras ng kanilang pagbiyahe kabilang na ang higit tatlong oras na drive mula sa pinanggalinan na Austin, Texas.

“We were eating then when the medical team approached us and asked to be with them. They then informed us about it. At first, we thought it was a joke because we and Kristina are both inoculated completely,” sabi ni Griffin, na matindi ang pag-alala sa mental health ng kanyang atleta na si Knott. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.