Una sa Balita

Knockout semis sa Rizal

By
0 1

Mga laro ­ngayon (Rizal Memorial ­Stadium)
3:00 p.m. — Ateneo vs. UST
5:00 p.m. — UP vs. FEU

Dalawang semifinals knockout ang ilalarga ngayon sa UAAP Season 79 men’s football sa Rizal Memorial ­Stadium.

Pangangatawanan ng Ateneo at UP ang 1-2 rankings sa eliminations, haharapin ng Blue Eagles ang No. 4 UST sa unang laro habang katapat ng Fighting Maroons ang No. 3 FEU sa pangalawa.

Ang mga mananalo ay maghaharap sa one-game final sa Linggo sa parehong venue.

Hinablot ng Ateneo ang top spot matapos ilista ang 35 points, pero para kay Blue Eagles coach JP Merida ay ­hindi sila puwedeng mag-­relax.

Kinaldag ng Blue Eagles ang Growling Tigers 5-1 sa first round bago ang 1-0 panalo sa second round.

“Mahirap i-underestimate ang UST. Lahat kailangang mag-perform,” saad ni Merida.

Kumpiyansa pa rin si Tigers coach Marjo ­Allado kahit nadalawahan sila ng Ateneo.

“It’s a different ballgame na itong semifinals,” ani Allado. “Ateneo is No. 1, we are No. 4, walang problema. One game, let’s see.”

Bumalik ang Tamaraws sa Final Four matapos ang isang taong ­pagliban.

“FEU is always tough to play against. Technically, they are very skilled and they have experienced players” hayag ni UP coach Anto Gonzales.