Una sa Balita

Knights binalikat ni Quinto

By
0 300

Kamakailan ay nasa delikadong sitwasyon ang Letran, hindi makatuntong sa magic four ng 93rd NCAA basketball tournament.

Nagbago ang ihip ng hangin, tumuhog ng dalawang sunod na panalo ang Knights para saluhan sa No. 3 ang JRU sa tig-7-6 records.

Minaniobra ni Bong Quinto ang abante ng Knights, sa dalawang panalo ay nagrehistro ang dating NCAA Juniors MVP ng average 21 points, 9 rebounds at 2.5 assists sa 30 minutong aksyon.

Binigay kay Quinto ang Chooks-To-Go NCAA Press Corps Player of the week honors (Aug. 18-24).

“Number 1 (na difference) ay ‘yung leadership ng mga veterans namin — sila Rey (Nambatac), JP (Calvo) at si Bong.” Papuri ni coach Jeff Napa sa pinakita ni 20-year-old swingman Quinto at ilang veterans.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy