Una sa Balita

Klyza ng Davao tinanghal na Mutya Pilipinas

0 315

Mula sa Davao City ang kinoronahan na Mutya Pilipinas 2019 Asia Pacific, si Klyza Castro, na ginanap last Aug. 18 sa MOA Arena. Taga-Zamboanga naman si April Short na nakorona-han bilang Mutya Pilipinas 2019 World Top Model.

Ang Fil-Am mula sa Las Vegas na si Tyra Rae Goldman naman ang Mutya Pilipinas 2019 Tourism International. Mula naman sa California si Louise Janica Arroyo An, ang nahirang na Mutya Pilipinas 2019 Filipino Overseas.

Si Cyrille Payumo ng Pampanga ang 1st runner-up at si Maxinne Nicole Rangel naman ang 2nd na galing ng Batangas.

Inabot nang mahigit sa tatlong oras ang delayed telecast show sa MOA ng coronation dahil sa mga commercial break. Gaya ng dapat asahan, hindi nasunod ang oras na dapat simulan ang show sa hindi malamang rason.
Pinaulit ang spot number ni Katrina Velarde dahil ilang beses nag-malfunction ang sound system. May nasasagap na frequency ang microphone kaya parang kidlat na sumasapaw sa kanta ng nasabing singer.

May energy sa pagbasa ng cue card at spiel si Matteo, na siyang nakatulong para mabuhay muli ang excitement sa inaantok na mga manonood. May mga pagkakataong nabubulol lang ito sa pagbabasa.

Mga Kapamilya star nagluksa sa pagkamatay ni Gina Lopez

Nagluksa ang buong industriya sa pagyao ng philanthropist, environmentalist na si Gina Lopez. Namatay si Gina dahil sa multiple ­organ failure sanhi ng brain cancer.

Nagpahayag ng kanilang pakikiramay ang maraming artista ng ABS-CBN 2 para sa nag-rehabilitate ng Pasig River at ng mga kanal sa ilang bahagi ng Metro Manila.

Nagposte ng iba’t ibang larawan ni Gina sina Pokwang, Pops Fernandez, Ogie Alcasid, Julius Babao, Zsa Zsa Padilla, Matteo Guidicelli at Gretchen Ho sa kanilang Instagram.

Sa mga nabanggit si Gretchen ang mas mara­ming beses na nakasama si Gina partikular na sa mga event nito, bilang ang una at palaging host. Saad ni Gretchen sa kanyang testimony, laging kumakanta ng “I Believe I Can Fly” si Gina sa tuwing matatapos ang presscon, meetings o speech.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy