Una sa Balita

Klub Don Juan Races inaabangan

0 262

TAGUMPAY ang 24th MARHO Races nitong Linggo sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite, mara­ming nasiyahan sa tindi ng aksyon sa mga stake race na inihain ng Philippine Racing Commission sa bayang karerista.

Pero ‘di pa tapos ang mga magagandang karera dahil sunod na pagha­handaan ng horse owners, trainers at jockeys ang Klub Don Juan De Manila Racing Festival, 2019 na pasisibatin sa Nobyemre 24, Linggo.

Isa sa mga aabangan ang KDJM Golden Girl Stakes Race kung saan kalahok ang idol ng bayan na si Princess Eowyn.

Makakaharap ng Princess Eowyn ang Certain To Win, Matriarchal, Sooner Time, Trust Me at Weemisjeree.

May distansyang 1,800 meter race ang event na nakalaan ang P500,000 guaranted prize na ikakalat.

Tatanggap ng P300,000 ang magkakampeon, P112,500 ang second placer habang P62,500 at P25,000 sa third at fourth, ayon sa pagkakasunod.
Tatanggap naman ng tropeo ang winning horse owner, trainer at jockey­s mula sa MMTCI New Management. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy