Una sa Balita

Klea napilitang ‘magpaseksi’ sa Saipan

By

‘Scared ako!’

0 3,795

Nakatulong kay Klea Pineda ang pagsali nito sa 11th Asian Supermo­del Contest sa Saipan noong December 10, 2017 dahil nadagdagan ang self-confidence niya na napansin ng mga dumalo sa presscon ng Sirkus, ang weekly telefantasya ng GMA 7 na mapapanood tuwing Linggo simula sa January 21.

Sinabi ni Klea na naging training ground niya ang Asian Supermodel contest para sa mga beauty contest na kanyang sasalihan.

“Nag-up ang confidence ko nu’ng pumunta ako doon. First time ko nag-bikini doon na may photo shoot, sa harap ng maraming tao, nag-ramp ako. Scared ako,” ang kuwento ni Klea na kinumpirma ang plano na pagsali sa Bb. Pilipinas kaya gusto niya na umpisahan na ang training.

Kailangan din ni Klea na magpapayat at dalasan ang pagpunta sa gym para malusaw ang baby fats sa katawan niya.

Hindi pinalad si Klea na manalo sa 11th Asian Supermo­del Contest pero siya ang nag-uwi ng Best On-screen award na katumbas ng Miss Photogenic special award.

***

Nahaharap sa tatlong taon na pagkakakulong at THB60,000 (93,615.60 sa Philippine peso) na multa ang Thai actress na si Apinya ‘Saipan’ Sakuljaroensuk dahil sa accidental uploading nito sa Instagram story ng private organ ng kanyang boyfriend na labag sa Computer Crime Act ng Thailand.

Nag-apologize si Saipan at binura agad ang scandalous video ng kanyang boyfriend pero mabilis na nag-viral ang screenshot nito.

Sa Pilipinas, hindi sinasampahan ng reklamo ang mga artista na ‘aksidente’ na naglalabas ng kanilang nude videos at photos sa social media na kadalasan, sinasadya nila para mapag-usapan sila.