Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Klea, Jeric nasagad sa climax

0 181

Hindi dapat palampasin ng manonood ang mga kapana-panabik na eksena sa pagbabalik ng GMA Afternoon Prime series na ‘Magkaagaw’ sa Lunes (Jan. 18).

Ayon kina Jeric Gonzales at Klea Pineda, maraming heavy scene ang agad na matutunghayan sa kanila.

SM food to go Banner Ad

“Base sa mga nakunan naming eksena, lahat halos puro heavy scene. Mahirap kasi nanggaling kami sa bakante na 7-months pero lahat ng effort at oras namin ay nilalagay namin sa show na ‘to. Para marami silang mapanood na eksena na talagang puno ng cliff hangers at challenges na mangyayari,” sabi ni Klea.

“Walang eksenang matatapon o masasayang sa ginawa namin kasi intense lahat. Nasa climax na tayo kaya dapat abangan niyo,” sabi naman ni Jeric.

Well, nasagad nga ang luha, husay sa pag-arte nina Klea at Jeric dahil sa mga madamdaming eksena, sa sabi nga ay climax moment ng Magkaagaw. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.