Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Klay swak 8 tres: Warriors balik sa NBA Finals

0 216

SA pang-anim na pagkakataon sa nakalipas na walong taon, balik ng NBA Finals ang Golden State Warriors.

Sinipa ng Warriors si Luka Doncic at Dallas Mavericks sa anim na laro sa West finals, huli ang 120-110 decision nitong Huwebes sa harap ng kanilang home crown sa Chase Center sa San Francisco.

Unang Finals appearance ng Golden State pagkatapos matalo sa Toronto noong 2019.

Sa close out game, sinayawan ni Klay Thompson (8-of-16 sa tres) ang defenders ng Mavs para puminta ng 32 points – 19 sa first half kabilang ang 3 na sinundan niya ng shimmy shake ng balikat na signature dance ng Splash Brother niyang si Curry.

Nagdagdag si Andrew Wiggins ng 18 points, 10 rebounds, may 17 markers, 6 boards at 9 dimes si Draymond Green. Bumakas ng 10 points, 18 rebounds si Kevon Looney.

Si Curry, naglista ng 15 points, 9 assists, ang kauna-unahang pinamigay ng NBA na Magic Johnson Western Conference Finals MVP.

Mabagal ang umpisa ni Doncic, naiwan ang Dallas 69-52 sa break at hindi na nakarekober. Tumapos si Doncinc ng 28-9-6, inayudahan ng 26 points ni Spencer Dinwiddie.

Iho-host ng Golden State sa June 2 (June 3 sa Manila) ang winner ng East Finals sa pagitan ng Boston at Miami sa Game 1 ng Finals. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.