Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Klay pinanindigan ang kayabangan

0 144

“CHAMPIONSHIP or bust.”

Ito ang deklarasyon ni Klay Thompson matapos ang 18-2 start ng Golden State sa nakaraang 2021-2022 NBA season.

Pinangatawanan ‘yun ng Warriors, at ilang buwan ang nakalipas ay ipinarada na sa San Francisco ang Larry O’Brien Trophy sa pang-apat na pagkakataon sa nakalipas na walong taon.

Nakabalik si Thompson mula magkasunod na ACL at Achilles surgeries na nagpagarahe sa kanya ng 36 months. Nakarekober din mula sa sa kani-kanilang injuries sina Stephen Curry at Draymond Green.

At nakasabay sina young guns Jonathan Kuminga, Jordan Poole, Gary Payton II at Andrew Wiggins sa sistema ni coach Steve Kerr.

Libu-libo ang luminya sa gilid ng kalsada sa SanFo nitong Lunes para saksihan ang parada.

Umulan ng blue-and-yellow confetti. Nagtalunan mula sa kani-kanilang sinasakyan ang Warriors para maki-selfie sa fans.

Walang tigil sa kasasayaw sina Thompson at Otto Porter Jr., inisprayan ni Wiggins ng champagne ang fans.

Kampeon na muli ang Bay Area. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.