Una sa Balita

Klaudia binalak magpakamatay sa Amerika

0 670

abante-talbog-joe-barramedaNasa Pilipinas muli ang dating sexy actress na si Klaudia Koronel. Dumating siya sa bansa noong August 5 para asikasuhin ang pagbebenta ng isa sa mga properties niya (condo unit sa The Fort) dahil naka-base na siya sa Los Angeles, California at nagtatrabaho bilang nursing assistant sa isang ospital.

“Resident na ako du’n, hindi ko na naasikaso ‘yung mga property ko dito,” sabi ni Klaudia.

Itinira naman daw niya ang iba pa niyang properties dito dahil nandito naman ang kanyang pamilya, tulad ng kanyang ina at anak. So hindi totoo na naghihirap siya.

Abante Hiring – IT dep

Anyway, sa panayam namin kay Klaudia sa Music 21 Plaza (Timog Avenue, Quezon City) ay nagbahagi siya ng mga malulungkot na kaganapan sa buhay niya simula noong magpakasal siya sa isang Chinese/American businessman noong August 28, 2009. Divorced na si Klaudia.

“I think alam niyo naman ‘yung sitwasyon nun’g kinasal ako na pinapirma ako ng prenuptial agreement bago niya ako pakasalan.”

Hindi pumayag si Klaudia na pumirma.

“Naniwala ako na mahal niya ako, na nag-promise siya na forever iingatan niya ako, mamahalin niya ako.

“Pero dahil nga hindi ako pumirma du’n sa prenuptial agreement, dahil bilang Filipina, siyempre hindi ako ­naniniwala sa ganu’n.

“Thirty years old na ako nu’ng nag-asawa ako, kasi gusto kong magkaroon ng asawa na responsable na aala­gaan ako. Masyado akong mapili sa lalaking mamahalin ko.”

Kahit daw may mga nagsabi sa kanya na hindi karapat-dapat ang napili niya ay hindi siya nakinig sa mga ito.

“Ipinaglaban ko. Kahit sinabihan ako na, ‘Huwag ‘yan, dapat kapananampalataya mo’, ang sagot ko is ‘mahal ko’. Inuna ko ang pagmamahal ko sa taong… iniwan ko kayo, iniwan ko ‘yung career ko, iniwan ko ang family, iniwan ko ‘yung anak ko, dahil sa pagmamahal ko sa lalaki.”

Miyembro ng Iglesia Ni Cristo si Klaudia o Milfe Dacula sa tunay na buhay. May anak si Klaudia sa isa niyang pakikipagrelasyon bago niya nakilala ang ­naturang Chinese businessman na resident sa US.

Naging mitsa ang hindi niya pagpirma na naging malungkot ang marriage niya. Makasarili ang asawa at ayaw i-share ang kayamanan niya. Maraming kayamanan ang asawa.

Verbal abuse ang naranasan niya sa pinakasalan niya. Lagi siyang tinatakot na hihiwalayan siya. Dahil mahal niya ay tiniis niya.

Finally, nakipag-divorce siya matapos makakuha ng blessing or permiso sa simbahan niya. Kahit divorced ay matagal pa rin silang nagsama sa isang ­bubong hanggang isang araw ay bumisita ang bi­yenan at kinuwestyon kung bakit nagsasama pa sila sa isang bubong.

Paliwanag ng asawa, kaya sila nag-divorce ay para wala siyang makuhang property sa asawa. Gayun pa man ay may nakuha siya kahit papaano plus ang monthly alimony base sa Court proceedings.

Nagtangka rin pala siyang magpakamatay pero napigilan ng asawa. Bale naglaslas siya para ipakita sa asawa.

Gusto niyang bumalik sa showbiz kahit pa-guest-guest lang at nami-miss daw niyang umarte.