Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Klase, trabaho sa Tacloban sinuspinde

0 111

SINUSPINDE ng lokal na pamahalaan ng Tacloban City ang lahat ng pasok sa eskwelahan at trabaho kahapon kasunod ng sama ng panahon ngayon sa lugar.

Patuloy na nakakaranas ng malakas na ulan ang bahagi ng Visayas at Mindanao dahil na rin sa ITCZ, at sa frontal system.

Nakaantabay naman ang National Disaster Risk Reduction and Management Council sa sitwasyon ngayon sa Visayas at Mindanao.

Naunang inanunsiyo ng Tacloban City government at ni City Mayor Alfredo Romualdez ang mga suspensyon sa social media.

Pinatigil ang pasok sa klase at trabaho sa lokal na pamahalaan noong Lunes dahil sa tail-end of a frontal system na nagdadala ng malakas na pag-ulan sa Eastern Visayas kabilang ang Tacloban City. (Kiko Cueto)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.