Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Klase sa NCR, Calabarzon sinuspinde

0 47

Dalawang regional office ng Department of Education (DepEd) ang nagdeklara na ng academic health break para sa mga pampublikong paaralan sa National Capital Region (NCR) at Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) dahil sa pagdami ng nagkakasakit ngayong panahon at sa pangambang pagtaas pa ng mga kaso ng COVID-19.

Base sa memorandum ng DepEd-NCR, suspendido ang klase mula Enero 15 hanggang 22 para mabawasan ang pabigat sa physical at mental na kalusugan ng mga guro at mag-aaral lalo pa may mga tinamaan ng flu-like symptoms na pinangangambahang lumala pa kaya kailangan ang pagpapagaling muna.

Samantala, sinuspinde naman ng dalawang linggo ang klase sa Calabarzon mula Enero 17 hanggang 29.

Nilinaw ng DepEd-Calabarzon na ang midyear break sa Enero 31 hanggang Pebrero 5 ay mananatili sa kabila ng suspensyon ng klase.

Pinaubaya naman sa desisyon ng mga pribadong eskuwelahan ang pagsuspinde ng klase.

Una nang naglabas ng memorandum ang DepEd kung saan ay binigyan nito ng pahintulot ang mga regional at school division office sa pagsuspinde ng klase sa gitna ng pagtaas ng mga kaso ng COVID sa bansa. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.